Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, August 14, 2007

FAMILY PLANNING MONTH, GINUGUNITA SA ‘GAPO

Bahagi pa rin ng mga panlipunang programa ng pamahalaan ng Olongapo, ipinagdiriwang ang buwan ng Agosto bilang Family Planning Month na may tema ngayong “Birth Spacing for Safe Motherhood, DOH it na!”.

Kaugnay nito, ilang proyekto at aktibidad ang inilunsad ng Population Commission (POPCOM) nang Olongapo para sa paggunita ng Family Planning Month.

Isa na rito ang ‘’Ligation Project’’ ng POPCOM noong ika-27 ng Hulyo 2007 sa James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH) kaalinsabay ng Mothers’ Class Seminar na kinatatampukan ng mga puntos patungkol sa birth spacing, natural birth control at responsible parenthood.

Samantala, kasalukuyan pa ring isinasagawa ng komisyon ang Pre-Marriage Planning na ginaganap tuwing araw ng Martes sa POPCOM Office na matatagpuan sa City Health Building ng City Hall.

Ayon sa POPCOM, isinusulong nila ang pagpaplano ng pamilya at birth control sa natural na pamamaraan.

Pao/jpb

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012