REVIEW SESSIONS, HANDOG NG OCGC
Inihahandog ng Olongapo City Government Employees’ Multi-Purpose Cooperative, Inc. (OCGEMPCI) para sa mga miyembro nito ang libreng “Rigid Review Project’’ bilang paghahanda sa nalalapit na Civil Service Examination (CSE) sa buwan ng Oktubre 2007.
Upang matulungan ang mga kasapi ng kooperatiba na makakuha ng professional at sub-professional eligibility, magsasagawa ng libreng pagsasanay at review classes ang OCGEMPCI para sa mga miyembro ng kooperatiba.
Binuksan na ang Livelihood Cooperative Development Office (LCDO) para sa registration ng mga cooperative members na nagnanais kumuha ng eksamen ng civil service. Ang unang limampu (50) ang silang ia-accommodate ng tanggapan.
Itatalaga naman ang apat na Sabado ng buwan ng Setyembre para sa nasabing “rigid review program’’ na pangangasiwaan ng ilang instructors ng Gordon College, kasama na si Kgd. Mary Beth Marzan na siya namang nag-top sa Computer Assisted Exam ng Civil Service ng kanyang batch.
Sinabi rin ni City Mayor James “Bong” Gordon, Jr. na siya man ay tutulong para sa pagpa-facilitate ng nasabing review sessions.
Isasagawa ang review sessions para sa mga nais na mag-avail ng prebilehiyong hatid ng OCGEMPCI sa FMA Hall, 2nd floor ng Olongapo City Hall.
Ang mga interesadong sumailalim sa naturang review sessions ay hinihikayat na makipag-ugnayan sa City Livelihood Office sa 2nd floor rin ng City Hall..
“Ang Civil Service eligibility ay ang susi para sa regularization at promotion nang mga empleyado ng mga government offices, lokal at nasyunal”, saad ni Mayor Bong Gordon .
Pao/jpb

Labels: Civil Service Examination, OCGEMPCI, Rigid Review Project
0 Comments:
Post a Comment
<< Home