Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, August 09, 2007

OLONGAPO: 2006 GAWAD KALASAG NATIONAL AWARDEE

Magkatuwang na tinanggap nina City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. at City Disaster Management Office (DMO) Head Angie Layug ang plake ng karangalan buhat kay Presidente Gloria Macapagal-Arroyo bilang national awardee sa prestiyosong ‘’Gawad Kalasag’’.

Nangibabaw ang galing ng Olongapo ng tumanggap ito ng dalawang (2) karangalan kabilang na ang ‘’Best Highly Urbanized City Disaster Coordinating Council’’ at ‘’Best Government Emergency Responders’’ (GOERS) sa pamamagitan ng Olongapo Fire and Rescue Team (OFRT).

Sa awarding ay kinilala ang mataas na kalidad ng CDCC sa disaster management, preparedness and response gayundin ang patuloy na pagsasagawa ng mga trainings and information campaigns sa mga residente ng lungsod sa lahat ng uri ng sakuna.

Samantala, ang agarang responde sa ibat-ibang lugar na nakaranas ng hagupit nang Typhoon Milenyo noong September 2006, dalawamput-anim (26) na vehicular accidents at dalawamput-anim (26) na fire incidents ay ilan lamang sa naging batayan ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) upang kilalanin ang OFRT.

Binigyang pugay rin ng NDCC ang pamahalaan local sa pamumuno ni Mayor Bong Gordon sa pagtutok at pagbibigay halaga sa disaster management sa pamamagitan ng suporta sa integrated disaster management program ng CDCC at OFRT.

Ang CDCC ay kinapapa-looban ng ibat-ibang departmento at ahensiya na sadyang sinanay ng lokal na pamahalaan na may mandatong magbigay ng pinaka-magaling na serbisyo at kahandaan sa panahon ng sakuna at kalamidad sa mamamayan ng Olongapo kasama na ang mga lugar sa bansa.

Kasamang nag-abot ni PGMA ng award sina National Defense & NDCC Chairman Gilbert Teodoro at Administrator Glenn J. Rabonza ng Office of Civil Defense nitong ika-8 ng Agosto 2007 sa Rizal Hall ng Palasyo ng Malacañan.

Matatandaan na noon pang 2002 at 2003 ay national awardee na ang CDCC gayundin ang City Fire and Rescue Team na tumanggap na rin ng pinaka-mataas na karangalan noong 2004 para sa kategoryang Best Government Emergency Responders.


Si Mayor Bong Gordon kasama sina Presidente Gloria Macapagal-Arroyo at National Defense & NDCC Chairman Gilbert Teodoro sa awarding ng ‘’2006 Gawad Kalasag’’. Hawak ni Mayor Gordon ang tinanggap na national plate award sa ceremony na isinagawa nitong ika-8 ng Agosto 2007 sa Palasyo ng Malacañan.


Si Presidente Gloria Macapagal-Arroyo habang ini-aabot ang ‘’Gawad Kalasag’’ award kay Mayor Bong Gordon. Saksi sa awarding si National Defense & NDCC Chairman Gilbert Teodoro nitong ika-8 ng Agosto 2007 sa Palasyo ng Malacañang.


Pao/rem



Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012