Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, August 07, 2007

OLONGAPO LIGTAS SA HOG CHOLERA

Nagpahayag ang Pamahalaang Lokal ng Olongapo sa pamamagitan ni City Veterinarian Dr. Arnold Lopez na malinis at ligtas na kainin ang mga karneng baboy na nabibili sa mga pamilihan sa lungsod.

‘’The pork meat coming from the City Slaughterhouse is safe to eat. It follows a Department of Health (DoH) statement stressing that humans were not susceptible to illness, which is currently affecting pig population in some areas of the country especially the Province of Bulacan and Pampanga,’’ wika ni Dr. Lopez.

Ang pahayag ng doctor ay sa atas na rin ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. na ipa-abot sa mga mamimiling Olongapeño na ang mga karneng baboy ng lungsod ay buhat sa Bataan at Zambales na sumasa-ilalim pa sa matinding meat inspection bago ito payagang ilabas sa merkado.

Ipinabatid rin ng Department of Agriculture (DoA) sa pamamagitan ng Animal Industry na walang dapat ikatakot ang mga taga-Olongapo dahil bago pa lumabas ang diumano’y insidente ng Hog Cholera sa Central Luzon partikular na sa Bulacan at Pampanga ay may konkretong programa na ang lungsod sa pangunguna ni Mayor Bong Gordon na mapangalagaan at masiguradong ligtas ang mga karneng baboy.

Kabilang sa mga safety nets ng Local Government sa pamamagitan ng City Veterinary Office ay siguraduhing dumadaan sa City Slaughterhouse ang mga karne, pag-sasagawa ng regular meat inspection sa mga pamilihan, pag-inspection sa mga pumapasok at lumalabas na karne gayundin ang pagbabantay sa mga backyard raisers sa lungsod.

Ang Hog Cholera Virus (HCV) o kilala rin sa tawag na Classical Swine Fever, ay isang uri ng nakakahawang sakit buhat sa Viral Disease na partikular na tumatama sa mga alagaing baboy. Ayon pa sa City Health Department hindi nabubuhay ang virus sa katawan ng tao.


Pao/rem



Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012