REPRODUCTIVE HEALTH CARE CODE SA GAPO, PASADO NA!
Nilagdaan na ni Mayor Bong Gordon ang City Ordinance No. 23 na kilala rin sa tawag na Olongapo City Health Care Code of 2007 nitong ika-15 ng Agosto 2007.
Layon ng ordinansang ito na bigyan ang mamamayang Olongapeño ng napapanahon, sapat at tamang impormasyon at kaalaman ukol sa reproductive health. Tinitiyak nito ang paghahatid ng abot-kamay, ligtas, abot-kaya at may kalidad na serbisyo gayundin ang pagpaplano, pagpapatupad, pagsubaybay at ebalwasyon sa nararapat at epektibong mga programang pang reproductive health care.
Ang mga reproductive health care programs ay kinapapalooban ng: maternal health care; infant and child health care; family planning information and services; services for the prevention of abortion and management of post abortion and its complication; adolescent and youth health service; prevention and management of reproductive tract infections; HIV and AIDS and other transmittable infections (STI’s); elimination of violence against women; education and counseling on sexuality and sexual health; treatment of breast, reproductive tract cancers and other gynecological conditions; male involvement in reproductive health; at prevention and treatment of infertility and sexual dysfunction.
Inaatasan ng ordinansang ito ang City Health Office (CHO) na pangunahan ang implementasyon ng mga programa at serbisyong may kaugnayan sa Reproductive Health (RH). Magsisilbing central advisory, planning and policy making body ang CHO sa pangangasiwa ni Mayor Bong Gordon bilang chairperson para sa komprehensibong pagpapatupad ng mga RH programs and services. Kaugnay nito ay binigyang kapangyarihan ang CHO sa pagbalangkas ng mga panuntunan at maging sa pagrerekomenda ng legislative enactments sa Sangguniang Panlungsod hinggil sa pagpapatupad ng mga RH programs and services.
Maisasakatuparan ang isinasaad ng ordinansang ito sa pamamagitan ng pondong magmumula sa limang porsyentong (5%) Gender and Development (GAD) fund ng Olongapo City Government Annual Appropriations.
Ang naturang ordinansa na pinanukala ni Kgd. Angelito Baloy ay ipinasa ng mga miembro ng Sangguniang Panlungsod noong ika-1 ng Agosto 2007.
Pao/jms

Labels: Mayor Bong Gordon, Nilagdaan, Olongapo City Health Care Code of 2007, Ordinance No. 23
0 Comments:
Post a Comment
<< Home