RESOLUSYON PARA SA STRAY ANIMALS, APRUBADO!
Inaprubahan sa Sangguniang Panlungsod ng Olongapo kamakailan ang Resolusyon 149 Series of 2005 ukol sa pagpapatayo ng animal pound sa bawat barangay sang-ayon sa Animal Welfare Act o RA8485.
Upang maiwasan ang pagdami ng stray animals sa mga kalye ng Olongapo, ipinasa sa City Council ang resolusyong nag-uutos sa mga barangay na magtayo ng animal pound na pansamantalang paglalagyan ng mga pagala-galang hayop.
Ang pagkakabalangkas sa naturang resolusyon ay inihain upang masiguro ang kaligtasan ng publiko mula sa mga panganib tulad ng rabies dulot ng posibleng pag-atake ng mga stray animals.
Samantala, nilalayon din ng City Council na higit na mapangalagaan ang mamamayan ng Olongapo sa pamamagitan naman ng kooperasyon ng mga barangay upang mapatupad ang layunin ng resolusyong ito.
PAO/jpb

Labels: animal pound, Inaprubahan, Mayor Bong Gordon, Resolusyon 149 Series of 2005
0 Comments:
Post a Comment
<< Home