Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, September 11, 2007

AUICK bibisita sa Olongapo

Kaugnay ng 2004-2007 programs ng Asian Urban Information Center of Kobe (AUICK), bibisita sa lungsod ng Olongapo ang ilang opisyales nito at ng United Nations Fund for Population Activities (UNFPA) upang magsagawa ng monitoring inspection sa lungsod ngayong ika-13 hanggang 14 ng Setyembre 2007.

Sa layuning masubaybayan ang mga isyung may kinalaman sa kalagayan ng populasyon, kalikasan at socio-economics ng mga associate cities ng AUICK, ilang lugar sa lungsod ng Olongapo ang bibisitahin nito.

Handa naman ang Pamahalaang Lungsod ng Olongapo sa pangunguna ni Mayor Bong Gordon para sa nalalapit na monitoring inspection ng AUICK at UNFPA officials na sina AUICK President Dr. Hirofumi Ando, Auick Executive Director Manabu Shinya, Deputy Executive Director Nobuyuki Morimoto, UNFPA Country Representative Suneeta Mukherjee, UNFPA Program Officer Miriam Ciscar-Blat at UNFPA City Coordinator Bel Dado.

Unang magpupulong ang monitoring team kasama ang mga participants ng AUICK seminar workshop sa ika-13 ng Setyembre 2007. Susundan naman ito ng site visits sa ika-14 ng buwan. Kabilang sa mga bibisitahin ng team ang James L. Gordon Memorial Hospital, River Channel sa gilid ng City Mall, gusali ng Senior Citizens Association, OCARE, Sta. Rita Elementary School, Olongapo City Women’s Center, Filtration Plant ng Subic Water and Sewerage Company, at Sanitary Landfill ng New Cabalan.

Samantala, ang mga programa ng AUICK ay kahanay pa rin ng pagsasakatuparan ng International Conference on Population and Development (ICPD) Program of Action (POA) at ng Millennium Development Goals (MDG’s) ng United Nations para sa mga associate cities ng organisasyon tulad ng Chittagong (Bangladesh), Weihai (China), Chennai (India), Surabaya (Indonesia), Kuantan (Malaysia), Faisalabad (Pakistan), Olongapo (Philippines), Khon Kaen (Thailand) at Danang (Vietnam).

Matatandaan na pinangunahan din ni Mayor Gordon ang delegasyon ng Pilipinas sa nakaraang 2004 AUICK sa Kobe City, Japan. Kamakailan ay nagsagawa din ng mga aktibidad ang AUICK tulad ng Workshop on Population and Appropriate Water Management in Urban Areas at 2007 Workshop on Maternal and Child Health in Natural Disaster sa Kobe, Japan.



PAO/jpb

Labels: , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012