DepEd pumalpak sa suspension order
Inamin ng Department of Education (DepEd) na pumalpak ito sa pagsilbi ng isang preventive suspension order laban sa isang tiwaling opisyal nito dahilan upang mahigit isang buwan pa itong namayagpag sa kanyang puwesto matapos hainan ng kasong administratibo at grave misconduct dahil umano sa pagbebenta ng teaching position sa Olongapo City.
Sa panayam sa telopono ng Abante kay Education Undersecreatary for legal affairs Atty. Franklin Sunga, sinabi nito na nagkamali ang records division sa ilalim ng assistant for legal affairs sa pamumuno ni Atty. Macur Hambsar ang pagsilbi sa 90-day preventive suspension order laban kay Assistant Schools Division Superintendent Naomi Arzadon.
Matatandaan na inirekomenda ni Sunga na kasuhan ng administratibo at grave misconduct si Arzadon matapos makitaan ng ‘prima facie’ evidence ang paratang sa kanya sa pagbebenta ng teaching position sa halagang P25,000.
“It was the records division (of DepEd) through assistant secretary for legal affairs Atty. Macur Hambsar who served the order against Assistant Division Superintendent Naomi Arzadon. I learned that the order was directly handed to Arzadon which should not be the case,” ayon kay Sunga.
Dapat, aniya ay idiniretso ang preventive suspension order sa regional director na siyang agad na mag implementa laban kay Arzadon.
ABANTE
JB Salarzon
Labels: Department of Education, pumalpak
0 Comments:
Post a Comment
<< Home