Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, September 25, 2007

OLONGAPO MULING NANGUNA SA PEACE & ORDER

Tinanggap ni City Mayor ‘’Bong’’ Gordon, Jr. buhat kina Presidente Gloria Macapagal-Arroyo at DILG Secretary & NAPOLCOM Chairman Ronaldo V. Puno ang Plaque of Recognition bilang 2nd placer ng Olongapo sa ‘’2005 Best Peace and Order Council (POC)-Highly Urbanized Cities Category.’’

Sa awarding ceremonies nitong ika-21 ng Setyembre 2007 sa Rizal Hall ng Malacañang Palace ay muling ginawad sa lungsod ang minimithing pagkilala buhat sa prestiyosong Peace and Order Council Awards (POC) ng Department of Interior and Local Government (DILG) at National Police Commission (NAPOLCOM).

Nasungkit ng Makati City ang unang pwesto (1st placer), nag-tie naman sa ikalawang pwesto (2nd Placer) ang Olongapo City at ang Bacolod City samantalang pumasok sa ikatlong pwesto (3rd placer) ang Davao.

Matatandan na una nang kinilala ang Olongapo taong 2004 nang parangalan ito bilang ‘’one of the best five’’ sa Highly Urbanized Cities Category’’ at bilang consistent Regional Awardee at ilang ulit na naging kinatawan ng Region-3 sa National Level competitions.

Sa kompetisyon ay pinagbatayan ng mga hurado ang City Integrated Area/Community Public Safety Plan (IA/CPSP) nang lungsod noong taong 2006 kung saan dito nakasaad ang partisipasyon ng ibat-ibang ahensiya ng lokal na pamahalaan tulad ng Olongapo City Police Office (OCPO), para sa crime prevention, law enforcement at counter insurgency.

Kabilang rin sa (IA/CPSP) ang Dept. of Justice (DOJ), Dept. of Interior and Local Government (DILG), Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), City Health Office (CHO), City Social Welfere and Development (CSWD) Bureau of Fire Protection (BFP), Disaster Management Office (DMO) at ang labingpitong (17) barangay para sa community participation.

Ang POC Awards ay isang prestiyosong kompetisyon na may layuning pumili ng mga lugar sa bansa na may konkretong programa at mahusay na pagpapatupad sa Peace and Order.


Si Mayor Bong Gordon kasama si Presidente Gloria Macapagal-Arroyo, at iba pang awardees ng ‘’2005 Peace and Order Council’’ sa ginanap na awarding ceremonies sa Malacañang Palace nitong ika- 21 ng Setyembre 2007.

Pao/rem





Labels: , , , , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012