Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Monday, September 17, 2007

Pagrerehistro ng smuggled at nakaw na sasakyan ipinatitigil ni GMA

By: Zaida delos Reyes - Journal

TULDUKAN ang pagrerehistro at pagpapalusot sa mga smuggled at nakaw na sasakyan sa Land Transportation Office (LTO) sa buong bansa.

Ito ang kauna-unahang kautusan ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kay LTO incoming Chief Ret. General Arturo Lomibao.

Si Lomibao ay itinalaga bilang bagong hepe ng LTO ng Pangulo noong August 8 kapalit ni General Reynaldo Berroya na itinalaga naman bilang undersecretary ng Department of Transporta-tion and Communication.

Napag-alaman mula sa isang mapapagkatiwalaang source na tumangging mag-pabanggit ng pangalan na bago lumipad patungong Sydney, Australia kamaka-ilan si Pangulo ay iniutos nito kay Lomibao na tuldukan na ang nagaganap na pagrerehistro ng nakaw o smuggled na sasakyan sa bansa.

“The marching orders given by the President to Gen.Lomibao was to put an end to the registration at the LTO of smuggled or stolen vehicles,” pahayag ng source.

Bagamat noon pang August 8, itinalaga si Lomibao bilang bagong hepe ng LTO ay hindi parin binabakante ni Berroya ang puwesto sa hindi pa malinaw na dahilan.

Kaugnay nito, sinabi naman ni DoTC Secretary Leandro Mendoza, nakarating na sa kanilang tanggapan ang kautusan ng pagtatalaga kay Lomibao bilang hepe ng LTO kapalit ni Berroya at hinihintay na lamang ang pormal na panunumpa ng mga ito sa kani-kanilang bagong puwesto.

Gayunman, hindi naman matiyak kung kailan ang pormal na panunumpa ng dalawang opisyal sa kani-kanilang puwesto dahilan upang magduda ang publiko hinggil sa pagkapit sa puwesto ni Berroya.

Lalo pang pinagdudahan ang pananatili sa puwesto ni Berroya matapos ang mga naglabasang press releases hinggil sa umano’y pagka-dismaya ng ilang transport groups tulad ng Fejodap sa pagkakatanggal ni Berroya sa puwesto.

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012