Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, September 06, 2007

PhilHealth orientation seminar, isinagawa

Kaugnay pa rin ng ika-107 Anibersaryo ng Serbisyo Sibil, nagsagawa ang Olongapo City Personnel’s Office ng half-day free orientation seminar hinggil sa mga benepisyo ng mga empleyadong miyembro ng Philippine Health Insurance Company o PhilHealth.

Pinangasiwaan ng mga panauhin mula sa PhilHealth ang libreng orientation seminar na ginanap sa FMA Hall ng Olongapo City Hall. Dinaluhan naman ito ng mga empleyado ng city government.

Layon ng seminar na mabigyan ng latest updates ang mga empleyadong miyembro ng PhilHealth patungkol sa kanilang mga benepisyong maaaring ma-avail mula sa health insurance company na ito.

Ayon sa mga talakayan sa seminar, sakop ng PhilHealth benefits ng isang miyembro ang immediate na mga kapamilya nito tulad ng asawa na hindi miyembro, mga anak (legitimate, illegitimate, legitimated, adopted or step) na may gulang 21 pababa, walang asawa at walang trabaho, at mga magulang (step or adoptive) na 60 taon gulang pataas at hindi miyembro ng PhilHealth.


Maaaring namang makapag-avail ng PhilHealth benefits ang mga “employed members” gayundin ang mga “individually paying members” matapos makapaghulog ng tatlong (3) monthly premium contributions sa loob ng anim na buwan bago ang hospitalization. Ang mga “sponsored members” naman ay maaring pakinabangan ang kanilang mga benepisyo base sa ‘validity period’ na nakasaad sa kanilang Family Health Card. Samantalang makakapag-avail naman ng benepisyo ng PhilHealth ang mga “OFW members” ayon sa ‘validity period’ ng kanilang Member Data Record (MDR). Para sa mga ‘non-paying members’ o mga ‘retirees’ at ‘pensioners’, lifetime coverage ang kanilang bepisyo pagsapit ng kanilang retirement age at matapos makapaghulog ng 120 monthly premium contributions.

Tinalakay din sa naturang orientation seminar ang proseso kung papaanong maa-avail ang ang mga benepisyo during hospitalization. Para sa automatic deduction of benefits bago ma-discharge ang pasyente sa hospital, narito ang mga hakbang:

1. Mag-submit ng accomplished PhilHealth Claim Form 1 na maaaring makuha ng libre sa mismong ospital, employer o mga PhilHealth offices;
2. I-attach sa PhilHealth Claim Form 1 ang updated na Member Data Record (MDR);
3. Makipag-ugnayan sa doktor kung magkano na lamang ang babayaran para sa kanilang professional fee;
4. Isumite ang accomplished PhilHealth Claim Form 1 kasama ang MDR at mga supporting documents sa billing section ng ospital bago magbayad.

Samantala, narito naman ang mga karagdagang documents na kailangang i-submit para sa direct filing:
1. PhilHealth Claim Form 2
2. Official receipts or hospital and doctor’s waiver;
3. Operative record para sa mga surgical procedures;
4. Para sa confinement abroad: official receipt o detalyadong statement of account at medical certificate mula sa attending physician kung saan nakapaloob ang final diagnosis, confinement period at mga serbisyong isinagawa sa pasyente.

Para naman sa iba pang inquiries, maaaring bisitahin ang website ng PhilHealth: http://www.philhealth.gov.ph/. Maaari rin malaman sa pamamagitan ng SMS ang PhilHealth number ng miyembro. I-type lamang ang PHIC(space)PIN(space)last name(comma) first name(space)birthdate(mmddyy) at i-send sa 2960.



Ang mga kawani ng Olongapo City Government sa Philhealth Orientation Seminar na pinangunahan ng mga kinatawan ng Philhealth Olongapo Branch.


PAO/jpb

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012