Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, October 02, 2007

Elderly Week, Ginunita sa Gapo

Nakiisa ang Pamahalaang Lungsod ng Olongapo City sa pagdiriwang ng “Elderly Week” ng Senior Citizens Association ng lungsod nitong ika-1 hanggang 9 ng Oktubre 2007.

Buo ang suportang ibinigay ni Mayor Bong Gordon sa Senior Ctizens Association ng Olongapo para sa mga aktibidad na inihanda nito sa week-long celebration na laan para sa mga “elders”.

Upang pasimulan ang selebrasyon, isang parada na tinawag nilang “Walk for Life” ang isinagawa ng mga kasapi ng Senior Citizens Association nitong ika-1 ng Oktubre 20067.

Nagsimula ang naturang Walk for Life mula sa Olongapo City Mall at nagtapos sa Rizal Triangle Multi-Purpose Centert. Dito ay nakibahagi ang mga “elders” sa Flag Raising Ceremony ng mga city officials at employees, at nakisaya sa paggunita ng ika-60 kaarawan ni Mayor Gordon.

Nagsagawa din ng community service ang samahan kung saan ay tumulong sila sa paglilinis ng paligid sa iba’t ibang barangay sa lungod nitong ika-2 ng Oktubre 2007. Kasama sa gawaing ito ang mga Barangay Senior Citizens Association.

Magpapabonggahan naman sa mga presentasyon ang mga singing and dancing lolo and lola ng Olongapo sa Cultural Night na gaganapin sa West Bajac-Bajac Covered Court sa ika-3 ng Oktubre 2007. Ang gabi ng pagpapalabas ay katatampukan ng mga espesyal na pagtatanghal na inihanda ng mga Senior Citizens.

Isang symposium din ang gaganapin para sa mga lolo at lola sa ika-4 ng Oktubre sa FMA Hall ng Olongapo City Hall at aktibo rin silang lalahok sa Alay Lakad 2007 sa ika-6 ng buwan.

Pangungunahan naman ng mga elders ng West Bajac-Bajac ang Medical Mission ng samahan kung saan sponsor si Mayor Gordon. Ilalaan para sa mga “seniors” ang naturang medical mission. Dito ay maari silang makinabang sa libreng medical check-up.


Ang mga kasapi ng Senior Citizens Association ng Olongapo na nakibahagi sa Flag Raising Ceremony sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center matapos ang kanilang “Walk for Life” parade bilang panimulang aktibidad para sa “Elderly Week” nitong ika-1 hanggang 9 ng Oktubre 2007.


PAO/jpb









Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012