Joint feeding Project ng City Gov’t, Unity Masonic Lodge, isinagawa
Nagsagawa ng “Joint Feeding Project” para sa mga batang ‘malnourished’ ang Unity Masonic Lodge No. 285 at Olongapo City Government nitong ika-26 ng Nobyembre 2007 sa Dam Site, West Bajac-Bajac.
Sa inisyatibo ni Mayor Bong Gordon, tatlumpong (30) batang malnourished na kabilang sa mga indigent families ng lungsod ang naging beneficiaries ng naturang feeding project.
Nagsimula ang proyekto sa pamamagitan ng pamimili, medical examinations at pagpupurga sa mga bata sa tulong na rin ng City Nutrition Committee, City Health Office at City Social Welfare and Development Office.
Pangunahing layunin ng proyekto na matulungan ang mga batang kapos sa nutrisyon at mapanumbalik ang malusog na pangangatawan bilang isa sa mga adhikain ni Mayor Gordon para sa mga Olongapeño.
Sa pinansyal na suporta naman mula sa Unity Masonic Lodge ay masusuportahan ng masusustansyang Mondays-Fridays lunch ang mga bata sa loob ng tatlong buwan.
“While we are not a civic organization but a fraternal one, I initiated the project as our sincere contribution to the community”, saad ni Vic Vizcocho, Jr., Worshipful Master ng Unity Masonic Lodge 285.
Sa parehong pagkakataon ay naroon din ang ilang estudyante ng Aura College na nagboluntaryong tumulong sa naturang programa bilang bahagi ng kanilang curriculum para sa community immersion.
Samantala, pinasalamatan ni Mayor Gordon ang Unity Masonic Lodge na nag-alok ng kanilang tulong upang maisakatuparan ang naturang proyekto. Hinikayat naman ng punong-lungsod ang mga magulang ng mga batang beneficiaries na magsikap upang magkaroon ng hanap-buhay o livelihood activities sa gayon ay patuloy pang matustusan ang wastong nutrisyon na kailangan ng kanilang mga anak.
Nagpamahagi rin si Mayor Gordon ng mga livelihood pamphlets at application forms para sa skills training partikular sa pagwe-welding. Aniya ay lagi siyang bukas para tumulong na mapagkalooban ng trabaho at livelihood opportunities ang mga Olongapeño. “Help me help you”, dagdag pa ng punong lungsod.
PAO/jpb

Labels: Joint Feeding Project, malnourished, Unity Masonic Lodge
0 Comments:
Post a Comment
<< Home