Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, December 20, 2007

Kalingang medikal ng JLGMH, de-kalidad!

Higit na dumarami ang mga pasyenteng nagtitiwala sa kakayahan ng James L. Gordon Hospital (JLGMH). Sa kanilang tala para sa taong 2007, mula Enero hanggang Nobyembre ay umabot na sa 15,317 ang admittance ng mga pasyente dito.

Ayon sa Administration Office ng JLGMH, sa mga darating na araw ay bubuksan na rin ang JLGMH annex na nasa finishing touches na lamang. Dito ay pinaplanong maglagay ng karagdagang mga silid at klinika upang makapag-accommodate pa ang ospital ng mas maraming pasyente na nangangailangan ng medikal na kalinga.

Nadagdagan din ng ilan pang medical equipment ang ospital na tiyak na mas makapagbibigay ng de kalidad na serbisyo para sa mga mamamayang Olongapeño at maging sa mga karatig lalawigan nito tulad ng Zambales at Bataan.

Ang pagdagsa ng mga nagpapagamot na pasyente sa JLGMH ayon kay Dr. Arturo Mendoza, hospital director, ay maaaring resulta rin ng patuloy na mahigpit na pagsunod nito sa mga “ethical practices” bilang isang tertiary hospital sa Olongapo at Zambales area. Nilinaw pa ni Mendoza na walang tinatanggihan o pinipiling pasyente ang ospital anuman ang estado nito sa buhay lalo pa kung ito ay nahaharap sa emergency situation.

“We strictly observe ‘no refusal for emergency cases policy’”, pahayag ni Dr. Mendoza.

“Kapag emergency cases, ooperahan natin kung kinakailangan, oobserbahan sa observation room at kapag stable na ang kundisyon ng pasyente, saka natin ita-transfer sa ibang ospital”, paliwanang ng hospital director.

Ang JLGMH ay kilala bilang isang tertiary hospital sa Olongapo at Zambales na mayroong high-tech medical facilities at patuloy na nagbibigay ng mataas na kalingang medikal.

PAO/jpb

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012