Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, December 04, 2007

LIBRENG TAWAG OVERSEAS HATID NI MAYOR BONG GORDON

Maagang pamasko ang regalo ng Pamahalaang Lokal sa pangunguna ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. sa mga Olongapeñong may kamag-anakan at kaibigan sa abroad.

Sa pamamagitan ng proyektong ‘’Libreng Tawag Overseas Hatid ni Mayor Bong Gordon’’ na pinasinayanan nitong ika-3 ng Disyembre 2007 sa Lobby ng City Hall, dalawang (2) telepono ang ginamit para sa mahigit limampung (50) callers na nabigyang pagkakataon na maka-usap ang kanilang mahal sa buhay na nasa ibang bansa.

‘’Alam ko ang hirap ng isang pamilya na may kamag-anakan sa abroad, kaya pinag-sumikapan natin na maisakatuparan ang proyektong libreng tawag upang matulungan ang mga pamilyang Olongapeño na maka-ugnayan sa telepono ang minamahal nang walang inaalalang gastos,’’ wika ni Mayor Gordon.

Ang ‘’Libreng Tawag Overseas Hatid ni Mayor Bong Gordon’’ ay aabot sa mahigit tatlumpong (30) bansa kabilang na ang Argentina, Australia, Austria, Belgium, Canada, Chile, Denmark, Estonia, Finland, France, Germany, Hong Kong, Iceland, Ireland, Italy, Japan, Luxembourg, Malaysia, Monaco, Netherlands, New Zealand, Norway, Portugal, Puerto Rico, Russian Federation, Singapore, South Korea, Spain, Sweden, Taiwan, United Kingdom at USA.

Sa mga nais pang mag-avail ng libreng tawag, tumungo lamang sa Mayor’s Office tuwing araw ng Lunes hanggang Biyernes, ika-8 ng umaga hanggang ika-5 ng hapon. Dito ay may nakatalagang telephone operator na magbibigay ng reservation number at slip sa mga callers batay sa pamantayan ng ‘’First Come, First Served Basis’’.

Sa reservation slip ay kinakailangan ang mga impormasyon ng tumatawag katulad ng pangalan at address gayundin ang pangalan, address, telepono at relasyon sa tinatawagan.

Ang bawat caller ay maaaring maka-ugnayan ang ka-pamilya sa abroad ng limang (5) minuto kung landline number ang tatawagan samantalang tatlong (3) minuto naman kung cellular phone number ang tatawagan.

Sa ngayon ay kasalukuyan na ring nakikipag-ugnayan ang City Government sa service provider buhat sa Middle East upang sa gayo’y libre na ring marinig ang tinig maging ang mga Olongapeñong nasa Gitnang Silangan.

Pao/rem

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012