FLOOD EXPERTS SA ‘GAPO MULI
Sa inisyatiba ni City Mayor James “Bong” Gordon, Jr., muling bumalik sa Olongapo ang mga Canadian flood control experts na sina Michael Cooke at Stanley Taylor.
Sa ikaapat na pagkakataon, dumating sa lungsod mula sa City of Windsor, Ontario, Canada nitong ika-24 ng Enero 2008 at mananatili hanggang ika-5 ng Pebrero 2008. Layon ng pagbisita na ipagpatuloy ang serye ng mga pag-aaral na kanilang isinasagawa sa lungsod bilang bahagi ng Partnership in Land Use and Watershed Management sa pagitan ng Olongapo City at City of Windsor ng Ontario, Canada.
“We are very proud of our partnership with Olongapo City. It’s nice to be back. It’s just like another home,” wika ni Taylor.
Pinasalamatan rin nina Taylor at Cooke ang kontribusyon ng Mayor’s Office, City Planning and Development Office (CPDO), Engineering Office at Assessors Office sa kanilang masusing pag-aaral ng mga tanggapan . “Your city government is working hard with us for your welfare,” pahayag ni Cooke sa mga Olongapeños.
Magugunitang huling bumisita sa Olongapo City sina Taylor at Cooke noong Agosto 2007. Si Cooke ang Senior Planner ng City of Windsor habang si Taylor naman ang Coordinator ng Source Protection Planning ESSEX Region Conservation Authority, ESSEX, Ontario, Canada.

Si Olongapo City Mayor James “Bong” Gordon, Jr. kasama ang mga “flood control experts” na sina Stanley Taylor (left) at Michael Cooke (right) na nagmula pa sa City of Windsor, Ontario Canada.
Labels: Canadian flood control experts
0 Comments:
Post a Comment
<< Home