Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, January 03, 2008

NEW YEAR’S DAY SA GAPO

Mapayapa at masayang idinaos ng mga taga-Olongapo ang New Year’s Day para sa taong 2008.

Ganap na alas dose ng hating gabi, sabay sabay na sinalubong ng mamamayang Olongapeño ang pagpasok ng taong bagong taon.

Ilang fireworks at pyrotechnic displays ang itinampok sa mga plaza ng iba’t ibang barangay na lumikha ng mga makukulay at kabigha-bighaning mga disenyo sa kalangitan ng Lungsod ng Olongapo.

Samantala, naging epektibo at matagumpay naman ang Pamahalaang Lungsod sa kampanya nito kaugnay sa prohibisyon sa paggamit ng mga mapinsalang paputok bilang pagsalubong sa bagong taon.

Tumalima ang mga residente ng Olongapo City sa itinatakda ng City Ordinance No. 55 (Series of 1996) na nag-amyenda sa City Ordinance No. 5 (Series of 1959) kung saan ay ipinagbabawal ang paggamit ng mga malalakas at mapinsalang uri ng firecracker.

Bagama’t may mga paglabag at bahagyang dumami ang bilang ng mga napinsala ng paputok ngayong taong ito (mula sa labing pito (17) noong 2007, dalawampu’t anim (26) ngayong 2008), pawang mga minor injuries lamang naman ang natamo ng mga nabiktima kumpara sa mga grabeng kaso ng firecracker incidents noong mga nakaraang taon tulad ng pagkaputol ng daliri, pagkawasak ng kamay at pagkabulag. Ito ay dahil na rin sa puspusang kampanya ng City Government laban sa paggamit ng mga malalakas at delikadong paputok.

Gayundin, nabawasan na ang mga nagtitinda ng mga dangerous firecrackers sa lahat ng mga pangunahing pamilihan ng lungsod. Magugunitang ang mga naglipanang panindang paputok sa mga bangketa ang siyang naging sanhi ng pagsabog ng Mansion Hotel and Restaurant sa Rizal Avenue noong 2005. Gayun pa man, binigyang pagkakataon ang mga vendors ng mga paputok na malayang makapagtinda sa Marikit Park bilang tanging designated selling place for allowed firecrackers.

Pagpasok pa lamang ng Disyembre ay nagpakalat na ng mga posters at tarpaulin ang Pamahalaang Lokal ng Olongapo upang paalalahanan ang mga Olongapeño sa kapahamakang maaaring idulot ng paggamit ng mga paputok.

PAO/jms

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012