Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Monday, February 11, 2008

Magsaysay supalpal vs car smuggling sa Cebu

HINDI napatunayan ni Zambales Rep. Milagros “Mitos” Magsaysay ang akusasyon nito para direktang panagutin si Cebu District Collecter Ricardo Belmonte sa car smuggling sa Cebu.

Ipinarating namn ni Partylist Rep. Teddy Casiño ang kanyang obserbasyon ukol sa high end vehicles gaya ng Land Cruiser, Porcshe Cayenne, BMW X5, Mercedez Benz na registrado sa Cebu ngunit ang mga ito ay may nakakabit na Manila plates at tumatakbo sa Metro Manila.

Tila napahiya si Magsaysay sa harap ng kapwa mambabatas nang mabigo itong idiin si Belmonte sa pagbaha ng mga sasakyan sa kanyang nasasakupan.

Sa paulit-ulit na pagtatanong ng kongresista, halatang pilit itong naghahanap ng butas para sisihin si Belmonte sa car smuggling sa Cebu.

Pero nang masupalpal si Magsaysay sa mga sagot ni Belmonte sa gitna ng pagdinig ng House committee on good government, biglang ibinaling ng kongresista ang atensyon nito sa Land Transportation Office – Region 7 officials at kinatawan ng Presidential Anti – Smuggling Group.

Sa kanilang pagharap sa pagdinig, hindi maipaliwanag ng LTO officials kung paano lumaki ang bilang ng mga rehistradong sasakyan sa Cebu at Toledo City sa nagdaang taon.

Minsan na rin nakilala ang pamilya ni Magsaysay sa pag-aangkat ng mga sasakyan sa pamamagitan ng Port of Subic sa Zambales.

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012