" Marquez - Pacquiao II Unfinished Business" sa 'Gapo
Muling matutunghayan ng mga boxing fanatics ng Olongapo ang inaantabayanang pagharap ng pambato ng Pilipinas sa lona na si Manny ‘’Pacman’’ Pacquiao laban sa Mexican World Boxing Council champion na si Juan Manuel Marquez.
Ang pinaka-malaking laban ng taon na tinaguriang ‘’Marquez-Pacquiao II Unfinished Business’’ world title bout na magaganap sa Mandalay Bay Resort & Casino sa Las Vegas, Nevada, USA sa ika-15 ng Marso 2008 ay libreng masasaksihan naman ng mga residente ng lungsod sa ika-16 ng Marso 2008, simula alas-8 ng umaga sa Olongapo City Convention Center (OCCC).
Sa naisin ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. na maging bahagi ang mga residente ng lungsod sa tapatan ng dalawang (2) international boxing stars ay inatasan niya si Dr. Donald Vigo na pangunahan ang pages-set-up ng giant screen gamit ang HBO Pay-Per-View hatid ng COLORVIEW Catv.
Matatandaan na unang nagharap sina Pacquiao at Marquez para sa featherweight title noong May 8, 2004 kung saan tatlong (3) beses na pinaluhod ni Pacman si Marquez sa first round pa lamang na nagtapos naman sa controversial majority draw. Ang magwawagi sa sagupaan ang poposisyon sa WBC crown at sa bakanteng Ring Magazine Super Featherweight World Championship. Pao/rem

Labels: boxing fanatics, mayor gordon, morales, Pacquiao, pay-per view
0 Comments:
Post a Comment
<< Home