Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Sunday, May 25, 2008

BARANGAY PEACEKEEPING TRAINING PROGRAM MATAGUMPAY NA GINANAP

Pitongdaang (700) barangay officials, civic and non-government organizations ang nakakompleto ng pagsasanay kaugnay sa “Barangay Peacekeeping Operation Training Program” kamakailan na isinagawa ng Olongapo City Police Office (OCPO) at ng Pamahalaang Lokal ng Lungsod sa pangunguna ni City Mayor James “Bong” Gordon, Jr.

Umikot ang pagsasanay sa temang “PULIS AT BARANGAY tungo sa Kapayapaan, Kaunlaran at Kasaganahan ng Mamamayan.”

Ang training na ito ay bahagi ng programa ng Punong Lungsod upang mapanatili ang “peace and order” ng buong Olongapo.

Naniniwala si Mayor Gordon na mahalaga na makilahok ang mga opisyal ng barangay upang magkaroon pa ng mas higit na kaalaman kung paano mapanatili ang katahimikan ng kani-kanilang lugar. Ayon pa sa Punong Lungsod mas mag-iibayo ang tiwala ng mga mamamayan ng Olongapo sa mga opisyales ng kanilang barangay sa ganitong paraan.

Ipinaliwanag ni Olongapo City Police Director Senior Supt. Avelardo Villacorta na maliban sa nabahagian nila ng kaalaman ang mga barangay officials mas napapalakas pa nito ang pag-aagapayan o pagtutulungan ng city government at mga barangay officials sa paglutas ng krimen.

Ayon pa kay Supt. Villacorta ang pagsasanay na ito ay bahagi ng programang pinangalanang “Project Kabisig”. Layunin nitong gawing “force multipliers” ang mga opisyales ng barangay at iba pang organisasyon ng lungsod.

Dagdag pa ni Brgy. Baretto Captain at Association of Barangay Chairmen President Carlito Baloy, malaking tulong ang training na ito sa kani-kanilang mga barangay.

Matatandaang ipinag-utos ni Mayor Bong Gordon ang pagsasanay na ito upang lalo pang mapanatili ang peace and order ng buong lungsod. Nais din ni Mayor Gordon na gawing modelo ng ibang barangay ang Brgy. Baretto na tumanggap ng pinakamataas na pagkilala mula kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng tanghalin ito bilang Hall of Famer at National awardee ng prestiyosong Lupong Tagapamayapa Incentives Awards (LTIA) para sa Highly Urbanized Cities ng buong bansa sa taong 2007.
Sa graduation ceremonies ng ‘’Barangay Peacekeeping Operation Training Program’’ kamakailan sa Olongapo City Convention Center (OCCC), ipinakita ni Mayor Bong Gordon ang sulat ng isang US investor na nais maglagak ng malaking puhunan sa pagnenegosyo bunga ng tiwala sa Peace and Order sa Olongapo. PAO Photo/melai

Labels: , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012