Olongapo, Subic walang kuryente dahil sa lakas ni 'Cosme'
OLONGAPO CITY – Nanalasa ang Tropical storm na si “Cosme" sa ilang bahagi ng Luzon matapos itong lumihis ng direksyon at tumama sa kalupaan ng Olongapo nitong Sabado.
Simula umaga nitong Sabado ay walang kuryente sa Olongapo gayundin sa central business district ng Subic Bay Freeport matapos bumuhos ang malakas na ulan.
Limang lalawigan sa Central at Northern Luzon ang inilagay sa ilalim ng Storm Signal 3 habang patuloy ang paglakas ni “Cosme" nitong Sabado.
Nitong Biyernes, walong kawani ng shipbuilding company Hanjin Heavy Industries Construction Philippines, Inc. ang nakaligtas matapos tumaob ang sinakyan nilang bangka na maghahatid sa kanila sa shipyard sa Zambales.
Unang inasahan ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) nitong Sabado ng umaga na tatama si "Cosme" sa kalapuan ng Ilocos Sur sa Sabado ng gabi.
"Mag-ingat ang ating kababayan sa parteng norte sa ating bansa," babala ni Anthony Roland Golez Jr, tagapagsalita ng National Disaster Coordinating Council (NDCC) sa panayam ng dzRB radio.
Sinabi ng Pagasa nitong Sabado ng umaga na si "Cosme" ay nasa layong 130 kilometro kanluran ng Iba, Zambales taglay ang lakas ng hangin na 105 kilometro bawat oras (kph) malapit sa gitna at pagbugso na 35 kph.
"Cosme" was moving northeast at 19 kph and was expected to make landfall over Ilocos Sur province on Saturday evening," ayon sa Pagasa.
Sa Linggo ng gabi ay inaasahan na si “Cosme" ay tatawid sa Northern Luzon at pupunta sa bisinidad ng Aparri, Cagayan.
Ang mga lalawigan na nasa Storm Signal 3 ay Zambales, Pangasinan, La Union, Ilocos Sur at Ilocos Norte.
Nasa ilalim naman ng Signal 2 ang Bataan, Pampanga, Tarlac, Nueva Ecija, Nueva Vizcaya, Benguet, Ifugao, Mt. Province, Kalinga, at Abra.
Nakataas naman ang Signal 1 sa Lubang Island, Batangas, Cavite, Laguna, Rizal, Bulacan, Northern Quezon, Aurora, Quirino, Isabela, Cagayan, Apayao, Batanes, at Metro Manila. - GMANews.TV

Labels: Olongapo City, storm, Subic Bay
0 Comments:
Post a Comment
<< Home