Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, May 22, 2008

P80M Cosme damage in Zambales

MAHIGIT SA 80 MILYONG PISONG HALAGA NG MGA PROYEKTO SA AGRIKULTURA AT IMPRASTRAKTURA SINALANTA NI BAGYONG COSME SA LALAWIGAN NG ZAMBALES

Sa pinakahuling ulat ng Provincial Disaster Coordinating Council ng Zambales ay umabot ng P82,447,143.00 ang nasalanta ng bagyong Cosme sa walong bayan ng Zambales.

Umabot ng P41, 883,843.50 ang nawasak na mga puno ng iba’t-ibang prutas at mga pananim na gulay at bigas. Pinakamalaki rito ang mga nabali o nabunot na mga punong mangga na nagkakahalaga ng P34,251, 375.00.

Sa pangisdaan naman ay umabot ng P12,950,000.00 ang halaga ng mga nasirang mga bangkang di-sagwan at di-motor at pati mga palaisdaan sa buong bayan lamang ng Sta. Cruz.

Umabot naman ng P1,463,300.00 ang nasirang livestock kagaya ng baka, kambing at baboy sa mga bayan ng Sta. Cruz at San Marcelino.

Sa bayan ng Sta. Cruz, na pinakamatinding hinagupit ng bagyong Cosme noong Sabado ay maraming mga kabahayan at mga gusaling pampubliko at pribado ang natanggalan ng mga bubong o nawasak na buo. Umabot ang halaga ng mga nasirang mga pampublikong imprastratura lalong-lalo na ang mga paaralan sa P26,150,000.00.

Sa pinakahuling ulat din ng Provincial Disaster Coordinating Council ay umaabot na ng 62,789 ang mga residenteng naapektuha ng bagyong Cosme at higit sa 10,000 naman ang mga bahay na nasira ng buo at bahagi lamang.

Noong Lunes ng umaga ay idineklara ng Sangguniang Panlalawigan ng Zambales ang State of Calamity sa buong lalawigan kasabay ng pagbibigay ng kapangyarihan kay Governor Amor Deloso para gamitin ang halagang P10 milyong mula sa calamity fund ng Zambales para sa taong ito.

Inaasahan ang pagdalaw ni Pangulong Gloria Arroyo sa Biyernes sa bayan ng Sta. Cruz upang personal niyang makita ang napakalaking pinsalang idinulot ng bagyong Cosme sa Sta. Cruz, Zambales.

Umaasa ang mga magulang at mga guro na sa lalong madaling panahon ay maaayos ang mga paaralang napinsala ng bayong Cosme para sa pagbubukas ng mga klase sa Hunyo 9. Mon Lacbain

Labels: , , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012