45 NA BAGONG PULIS NG LUNGSOD
Pinakilala ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. ang apatnapu’t lima (45) na bagong talagang P01 policemen and policewomen ng Olongapo City Police Office (OCPO) nitong ika-14 ng Hulyo 2008 sa ginanap na flag-raising ceremony sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center.
Bukod sa mga pulis na taga Olongapo at Zambales, ang mga bagong pulis ay nagmula pa sa iba’t-ibang lugar sa bansa. Mayroon mula sa Tarlac, Baguio, Ilocos Norte at Nueva Ecija.
Ang mga nasabing pulis ay itatalaga sa iba’t-ibang police stations sa lungsod.
“Ang mga karagdagdang pulis sa peacekeeping force ng Olongapo City ay isang malaking boost para sa peacekeeping force ng lungsod. Lalo pang magiging mas matibay ang seguridad at kaayusan sa lungsod,” pahayag ni Mayor Gordon.
Tulad ng pamimigay ng mga mountain bikes sa peacekeeping force ng lungsod nitong Hunyo, ang karagdagang mga pulis ay inaasahang magpapababa ng insidente ng krimen dahil sa mas mataas na ‘police visibility’ sa lungsod.

Ang apatnapu’t limang (45) bagong mga pulis ng Olongapo City Police Office sa ginanap na pagpapakilala ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. sa flag-raising ceremony sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center nitong July 14, 2008.
PAO/Don
Labels: OCPO, olongapo, policemen, policewomen
0 Comments:
Post a Comment
<< Home