Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, July 29, 2008

Zambales may pinakamaraming buntis na namatay – DOH

CENTRAL LUZON – Nanguna ang lalawigan ng Zambales sa dami ng bilang ng buntis na namatay sa panganganak, nang magtala itong 59 deaths; samantala pumangalawa ang Bataan, 50 deaths, at pangatlo ang Pampanga. 34 deaths, noong taong 2007, base sa lahat ng Department of Health (DOH) Region 3 sa Abante.

Umaabot sa 247 ina ang nasawi sa panganganak o maternal mortality rate per 100,000 live births mula sa pitong lalawigan sa Central Luzon na naitala sa mga pribado at ospital ng gobyerno.

Nabatid ng Abante mula kay DOH R3 regional director, Dr. Rio Magpantay na isa sa mga sanhi ng naturang kamatayan ng expectant mothers ay ang pagdurugo dahil hindi sila nadala sa ospital at sa bahay na lang nagsisilang.

Hindi rin nagpapa-check- up kung saan ay kailangang tatlong beses o mas mainam na higit pa na magpatingin ang buntis na ina lalo na sa mga unang lingo o buwan ng pagbubuntis.

Ayon sa ulat, narito ang naitalang bilang ng maternal death rate per 100,000 live births noong nakaraang taon: Bulacan-24; Aurora-22; Nueva Ecija-19; Tarlac-11; at 28 sa regional hospital.

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012