311 BOTIKA NATIN SA NAYON NABUKSAN SA BUONG ZAMBALES AT OLONGAPO CITY
Subic, Zambales. Sa pangunguna ni dating bise gobernador ng Zambales at ngayon ay Executive Director ng Zambales War Against Poverty Foundation Inc. na si Ramon G. Lacbain II ay nabuksan na ang mahigit sa 300 botika natin sa nayon sa iba’t-ibang mga barangays sa buong lalawigan ng Zambales at lungsod ng Olongapo.
Noong isang araw ay binuksan ang dalawa pang botika natin sa nayon sa barangay Sto. Tomas sa bayan ng Subic at sa barangay Sta. Maria sa bayan ng Castillejos.
Sa darating na Agosto 25, 2008 ay magdiriwang ang Zambales War Against Poverty Foundation Inc. ng ika-tatlong taong anibersaryo ng botika natin sa nayon.
“Noong una naming binuksan ang kauna-unahang botika natin sa nayon sa barangay Cawag sa bayan ng Subic noong Agosto 25, 2005 ay pinangarap naming makapagtayo ng 200 botika natin sa nayon subalit sa tulong ng Panginoong Diyos at sa pamamagitan ng mga staff ng ZWAP Foundation at gayon din ng mga mamamayan ay nalampasan na namin ang pangarap na iyan.
Makalipas ang tatlong taon ay nakapagbukas na kami ng mahigit pa sa 300 na mga botika natin sa nayon na pinaglilingkuran ngayon ng mga anim na distribution centers sa mga bayan ng Subic, San Felipe, Iba, Masinloc, Sta. Cruz at sa Olongapo City” ayon kay Lacbain na siya rin tumatayo ngayon bilang Chairman ng People’s Task Force on Hanjin & Subic Bay Inc.
Bawat botika natin sa nayon ay binibigyan ng ZWAP Foundation ng halagang P3,000 na mga generic at branded ng mga gamot na benebenta sa mga mamamayan sa “presyong himala” o saksakan ng mura.
Ang nagpapatakbo ng bawat botika natin sa nayon ay ang sampung miyembro nito na pinamamahalaan naman ng mga lisensyadong pharmacists ng ZWAP Foundation sa silang namamahala ng mga distribution centers. Sa kabuoan ay umaabot na ng mahigit sa 3,000 ang mga miyembro ng ZWAP Foundation na nagpapatakbo ng mahigit sa 300 botika natin sa nayon.
Bukas ay nakatakda na namang buksan ang dalawa pang botika natin sa nayon sa mga bayan ng Cabangan at San Narciso.
Ayon kay Shirley Navarro na isang botika natin sa nayon team leader sa Balaybay Resettlement Area sa bayan ng Castillejos, “napakalaking tulong ang botika natin sa nayon sa maraming mahirap na nabiktima ng pagputok ng Mt. Pinatubo dito sa aming resettlement area sapagkat malapit na ang botika sa amin. Hindi na kami gumagastos sa pamasahe papunta sa bayan at mas mura pang di hamak ang mga gamot dito sa botika natin kaysa sa bayan.”
Maaaring bumili ng gamot ang sinumang nangangailangang mamamayan sa botika natin sa nayon na naglilingkod dalawampu’t-apat na oras bawat araw.
“Maliban sa nadala namin ang mga murang gamot na may mataas ng kalidad sa mga malalayong barangay ay napalawak pa namin ang lubos na tiwala ng mga mamamayan sa mga generic na gamot na dati ay hindi nila pinapansin. Ngayon alam na ng mga mamamayan na ang mga generic na gamot ay mura pero mabisa rin sa kanilang mga karamdaman”, dagdag pa ni Lacbain.
Ang botika natin sa nayon ay isa ring proyekto na naunang pinondohan mula sa Priority Development Assistance Fund nila Senador Edgardo J. Angara at Francis ‘Kiko” Pangilinan noong 2005 at nasa pamamatnubay ng Department of Social Welfare & Development at ng Department of Health sa kanilang kanya-kanyang tanggapan sa Gitnang Luzon.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home