Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Wednesday, August 20, 2008

OLONGAPEÑA SA MRS. GLOBE BEAUTY PAGEANT

Ipinakilala ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. sa mga opisyales at mga kawani ng Pamahalaang Lokal ng Olongapo si Rachelle Anne Pineda-Tiatco, ang kinatawan ng Pilipinas sa Mrs. Globe Beauty Pageant.

Ang pagpapakilala ni Mayor Bong Gordon sa Olongapeñang kandidata sa prestiyosong international beauty contest ay sa programa ng Flag Raising Ceremony nitong ika-18 ng Agosto 2008.

‘’Si Rachel ang simbolo ng ganda, talento at talino at tunay na sumisimbolo sa isang Olongapeña. Suportahan natin ang pambato ng Olongapo at bansa sa Mrs. Globe Beauty Pageant,’’ wika ni Mayor Gordon.

Ang dalawamput-anim (26) na taong gulang na residente ng Barangay West Tapinac ay siya ring Aesthetician at may-ari ng Skin Haven Facial Care Center, Rizal Avenue.

Nagtapos siya ng elementary education sa Nellie E. Brown, secondary sa Holy Infant Jesus College at tertiary sa Mondrian AURA College ng kursong B.S. Tourism.

Nangibabaw si Rachelle sa selection panel ng Miss Philippines Pageantry Productions, Inc. laban sa mahigit limampung (50) kandidatang kalahok sa Mrs. Philippines Pageant.

Tutulak siya patungong California, USA sa ika-21 ng Agosto bilang paghahanda sa gaganaping pageant night sa ika-31 ng Agosto 2008 kung saan makakaharap nito ang iba pang mga kandidatang kinatawan ng ibat-ibang mga bansa.

Matatandaan na na-iuwi ng pambato ng bansa na si Maricar Talosig ang 2007 Mrs. Globe-1st Runner-up samantalang naging kinatawan na rin ng bansa ang mga actress na sina Maricel Morales at Jhoan Quintas sa pareho ring pageant.

MRS. GLOBE: Binati ni Mayor Bong Gordon si Rachelle Anne Pineda-Tiatco, ang kakatawan sa bansa para sa Mrs. Globe Beauty Pageant na gaganapin sa California, USA nitong ika-31 ng Agosto 2008.

Pao/rem

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012