Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Sunday, August 17, 2008

White Rock Triathlon 2008

Ang Extribe Inc. ay naglunsad ng programa na White Rock Triathlon 2008-Long Distance Triathlon na gaganapin sa ika-4 ng Oktubre 2008 (Sabado). Ang haba ng karerang ito ay 112 kilometro (2km swim/90km bicycling/20km running) at dadaan sa mga bayan ng Subic, Castillejos, San Marcelino, San Narciso, San Felipe, Maloma, Cabangan, Olongapo City and Subic Bay Freeport Zone.

Ito ang ika-5 taon ng paglulunsad ng ganitong programa. Noong nakaraang taon, tinawag itong “Premiere Triathlon Race” na nagbigay ng kahalagahan at kadakilaan sa kumunidad ng isports. Ang karerang ito ay tinaguriang isa sa mga pinakamaayos sa bansa.

Suportado naman ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. ang naturang sports event at nag-commit na pangangasiwaan ng lungsod ang mga sumusunod:
• Traffic and road safety
• Medical aids
• Information campaign and community awareness
• Awarding ceremony

Inaasahan na isa na namang kapana-panabik at matagumpay na karera ang matutunghayan ng lahat. Ang programang ito ay hindi lamang para sa mga mahilig sa isports bagkus ito ay para sa lahat ng mamamayan ng Olongapo at Zambales dahil naipapakilala ang lungsod at lalawigan bilang destinasyon ng mga bakasyunista at turista.

PAO/kfc

Labels:

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012