Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Monday, August 18, 2008

EMPLOYEE OF THE MONTH

Pinarangalan ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr. si Gloria Gonsalvo bilang Employee of the Month para sa Hunyo nitong Flag Raising Ceremony, ika-18 ng Agosto.

Si Gonsalvo ay Administrative Aide I ng Business Permit and Licensing Division (BPLD) sa loob ng labing walong (18) taon.

Nagkamit ng mahigit eighty-seven percent (87%) na rating si Gonsalvo mula sa mga miyembro ng panel na naatasang humirang ng mga employee awardees.

Nagsimula siyang magtrabaho bilang Utility Worker sa BPLD taong 1998.

“Masipag na worker si Gonsalvo, maayos niyang nai-endorse ang mga Mayor’s Permit at Work Permit applications sa mga opisinang dapat nitong pagdaanan,”pahayag ni Neil Perez, Head ng BPLD.

Bilang isang ina sa limang (5) anak napag hati-hati ni Gonsalvo ang kanyang oras sa pamilya at sa trabaho.

Katulong niya sa buhay ang kanyang asawang si Macario Gonsalvo na isa ring government employee sa James L. Gordon Memorial Hospital (JLGMH).

Nagtapos siya taong 1989 ng Secretarial course sa Lorraine Technical and Vocational School dito sa lungsod. Taong 1993 kumuha uli siya ng Vocational course sa Computer sa STI College.

Pinanganak siya sa Pangasinan noong ika-03 ng Enero 1971 at lumaki sa pag-aaruga ng kanyang tiyahin na taga- Brgy. Gordon Heights.

“Ang maglingkod sa taong bayan ang pinakagusto kung gawin mula ng maliit pa ako. Sa loob ng labing walong taon naramdaman ko ang saya sa aking trabaho,”pahayag ni Gonsalvo.

“Importante rin sa akin ang concern at kabaitan ng mga kasama ko sa work, na dahilan rin para tumagal ako rito,”dadag niyang pahayag.

Bilang isang government employee, naniniwala siya na kailangan na maging mahinahon at matutong makinig ang isang empleyado para maayos niyang maharap ang pangangailangan ng taong bayan.

Tinanggap ni Gonsalvo ang Ulo ng Apo Medal of Excellence at cash prize na limang libong piso (P5,000.00) sa ginanap na pagpaparangal sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center.

Tinanggap ni Gloria Gonsalvo ng Business Permit and Licensing Division (BPLD), ang Employee of the Month para sa buwan ng Hunyo, mula kay Mayor James “Bong” Gordon, Jr. ang Ulo ng Apo Medal of Excellence at cash na limang libong (P5,000.00) sa naganap na pagpaparangal nitong ika-18 ng Agosto sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center.

PAO/melai

Labels: ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012