Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Sunday, November 02, 2008

CITY GOVERNMENT EMPLOYEES SA KALINISAN

Hinihikayat ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. ang mga kawani ng Pamahalaang Lokal ng Olongapo na manguna sa pagpapanatili ng kalinisan sa lungsod upang maging higit na kaaya-aya ito para sa mga residente at mga turista.

Sa Flag Raising Ceremony sa Rizal Triangle Multi-Purpose Center, hinimok ni Mayor Bong Gordon ang mga kawani ng pamahalaan na maging modelo sa kalinisan.

‘’Ito ay makatutulong sa kampanya sa higit pang pagpapasigla ng turismo. Higit na magiging kaakit-akit ang Olongapo para sa mga turista kung mapapanatiling malinis ang kabuuan ng lungsod kabilang na ang mga tourist attractions at inside streets,’’ dagdag pa ng punong-lungsod.

Sinabi pa ni Mayor Gordon na marapat na maki-isa ang lahat sa pagsiguro sa malinis na Olongapo hindi lamang para sa mga turista kundi para rin sa kalusugan ng bawat Olongapeño.

Inaasahan na magiging kaisa ng punong-lungsod ang mga kawani ng city government at mga opisyal ng barangay sa hangarin na mapanatili ang kalinisan ng Olongapo na kamakailan lamang ay pinarangalan bilang “Most Competitive Medium-Sized City” ng Asian Institute of Management (AIM).

PAO/rem

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012