Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Saturday, December 06, 2008

SCUBASURERO SA OLONGAPO

Ilulunsad sa Olongapo City sa ika-11 ng Disyembre 2008 ang ‘Scubasurero’, ang environmental project ng Philippine National Police (PNP) kung saan magsasagawa ng clean-up drive sa dagat, coastline at beaches ng bansa kasama na ang sa Olongapo City.

Darating si PNP Director General Jesus Versoza upang manguna sa paglilinis ng underwater natural resources at coastlines ng lungsod kasama ang Pamahalaang Lungsod ng Olongapo na pinamumunuan ni Mayor James ‘Bong’ Gordon Jr., at ng Olongapo City Police Office (OCPO) sa pangunguna ni Supt. Abelardo Villacorta.

“Napaka-yaman ng coastline natin kaya’t dapat ingatan natin ito. Pagpursigihin natin ang paglilinis ng ating kalikasan dahil tayo rin ang makikinabang sa mga yaman na ito,” pahayag ni Mayor Gordon.

Sama-samang lilinisin ng mga pulis kasama ang mga miyembro ng civic groups at government employees ang coastline mula sa Barangay Kalaklan hanggang Baretto.

Ang proyektong ito ay bahagi ng Mamang Makakalikasan Project ng PNP na naunang inilunsad sa Kabayan Resort sa San Juan,Batangas para protektahan ang kalikasan partikular na sa coastal areas.

“I am happy na PNP chose Olongapo to be part of this program. In the city, we are constantly striving to protect and conserve the environment since one of our major industries is tourism,” ani Mayor Gordon.

PAO/Don

Labels: , , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012