Bagong ID System para sa mga Drayber
Sinisimulan na ng Olongapo City ID Center (OCIC) ang Public Transport Color Coded Scheme (PTC2S) para sa mga drayber ng pampublikong sasakyan sa lungsod.
Ito ay isang ID System na “pioneer project” ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr. sa pakikipagtulungan nina Senador Richard Gordon at Congresswoman Carissa Coscolluela sa pamamagitan ng teknolohiyang binuo ng Jimec Global Holdings.
Ayon kay Benjamin “BJ’ Cajudo, head ng OCIC, dapat kumpletuhin ang mga sumusunod para makakuha ng bagong ID. Kailangan ibigay ang mga sumusunod na detalye:
- Tax Identification Number o TIN
- SSS/GSIS
- Voter’s ID No. at Precinct No.
- PhilHealth No.
“Kung kumpleto po ang inyong requirements, maari ninyong makuha ang ID sa loob ng isang oras lamang,” ang sabi ni Cajudo.
Iminungkahi ni Cajudo ang pagkuha ng ID para rin sa kanilang kabutihan at mapapakinabangan nila ang mga benepisyo sa mga darating na araw.
“Sususunod na mabibigyan ng bagong ID ay ang mga vendors sa lungsod,” dagdag ni Cajudo

Isang “sample” ng bagong ID ng mga drayber na alinsunod sa bagong ID System na inilunsad kamakailan ni Mayor James “Bong” Gordon, Jr. sa tulong nila Senador Richard Gordon at Congresswoman Carissa Coscolluela.
PAO/ chay
PAO/ chay
Labels: ID SYSTEM, mayor gordon, ocic
1 Comments:
maganda yan idea para sa bagong ID ng driver... pero ang di maganda yun mataas na singil para sa ID at paseminar sa driver.... sana man lang eh sa maging libre na yan paseminar at ID.. sa hirap ng buhay ngayon ,isang malaking kabawasan para sa mga driver imbis na sa pagkain ng pamilya mapunta yun bayad..ang sa akin po eh komentaryo lang.maigi pa nun sa OCSTCI eh libre ang paseminar sa driving .
By Anonymous, at 2/04/2009 4:49 AM
Post a Comment
<< Home