Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Sunday, January 18, 2009

Early voting system ni Sen. Gordon napapanahon

Maraming panukalang batas na nakahain sa Kongreso ang isinusulong ng mga mambabatas sa mababa at mataas na mga kapulungan sa bansa.

Isa na samga ito ang panukala ni Senador Richard Gordon na maagang botohan (early-voting system) na nais ng senador na maihabol sa 2010 election.

Ang paraang ito ng nasabing mambabatas ay masususugan ang Omnibus Election Code ng Pilipinas, na matagal na panahon nang ipinaparaktis sa bansa simula panong ilang milyon pa lamang ang mga botante sa Pilipinas.

Sa Senate Bill 2792 ni Sen. Gordon ay nakasaad doon ang panukala sa makaboto ang mga botante nang mas maaga o sampung araw bago ang itinakdang araw ng eleksiyon.

Layunin dawn g nasabing house bill na mabigyan ng pagkakataon na makaboto nang maaga ang mga botanteng nagtatrabaho sa mga polling area, mga campaign worker, senior citizens, mga kagawad ng pulisya na maassign sa malalayong lugar at mga nagtatrabaho sa mga pagamutan.

Iba kasi ang takbo ng sitwasyon noon at ngayon. Sa panahong ito na masyadong abala ang tao kaya kailangan na talagang magkaroon ng spare time ang mga botanteng busy sa kanilang mga trabaho para makaboto sila nang maaga.

Ang praktis na ito ayon kay Gordon ay ipinatutupad sa 46 na estado sa Amerika, maging sa mga bansa tulad ng Canada, Germany, Australia, New Zealand, at Switzerland.

Nangyayari kasi tuwing may halalan na maraming botante ang hindi na nakaboboto dahil kinakapos sila sa panahong makapunta sa mga presinto an dapat nilang puntahan upang makaboto.

Malaking kapaburan sa mga botante ang panukalang batas na ito ni Gordon at kung ito ay maisasabatas ay maraming mamamayan ang mabebenepisyuhan. Bigyang pansin kaya ito ng ibang mambabatas? Hintayin natin.

Ni. Manny Dela Cruz - Bagong Tiktik

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012