Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, January 06, 2009

Pinas pinaghahanda sa lindol at tsunami

Sa gitna nang ulat ng Geoscience Australia na ang Asia-Pacific ay nahaharap sa era ng “large-scale natural disaster” na maaring maging sanhi ang pagkamatay ng milyon-milyong mamamayan kung saan ang Indonesia, Pilipinas, at China ang pinakadelikado, iginiit kahapon ni Sen.Richard Gordon ang malawakang paghahanda at pagkakaroon ng kultura ng ‘disaster preparedness’.

Ayon kay Gordon, ang Pilipinas ay geographically located sa circum-pacific belt ng apoy at bagyo sa Asia-Pacific region at ‘prone’ ito sa mga natural disasters katulad ng lindol at tsunamis.

Hindi aniya nawawala ang posibilidad na pagtama ng mga natural calamities sa bansa kaya dapat turuan ang mga mamamayan na maging laging handa

Naniniwala si Gordon na maraming buhay ang maisasalba kung alam ng mga mamamayan ang kanilang gagawin sakaling may tumamang disaster sa bansa.

Ayon pa umano sa ulat, ang impact ng natural events, katulad ng lindol at tsunamis ay mas paiggtingin pa ng tumataas na bilang ng populasyon at climate change na nakaaapekto na sa buong mundo.

Nais ni Gordon na magkakaroon ng isang batas upang maging mandatory sa mga mamamayan ang pagsasanay sa mga posibleng dumating na kalamidad.

--Malou Escudero

Labels: , , ,

1 Comments:

  • gaano po ba ka prone ang olongapo sa tsunami?? may chance ba mangyari na magkatsunami dito gaya ng nangyari sa sendai? o maliit lang yung chances dahil napapaikutan tau ng bundok?

    By Anonymous Anonymous, at 3/12/2011 3:19 PM  

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012