“OLONGAPO DELEGATES” HANDA NA SA CLRAA MEET 2009
Handang-handa na ang delegasyon ng Lungsod ng Olongapo para sa darating na Central Luzon Regional Athletic Association (CLRAA) Meet 2009 sa Tarlac City , Tarlac nitong ika- 15 hanggang 20 ng Marso 2009.
Ang Team Olongapo “official delegates” ay pangungunahan nina Senator Richard Gordon, Mayor James Gordon, Jr., Olongapo First Lady at Vice Governor Anne Marie Gordon, Vice Mayor Cynthia Cajudo, Dr. Ligaya Monato, schools division superintendent, former Mayor at Zambales Assemblywoman Amelia Gordon, Former Mayor at Zambales Congresswoman Kate Gordon, City Councilors, at kinatawan ng iba’t-ibang paaralan.
Ang humigit dalawang daang(200) delegasyon na nag-advance sa Regional Championship ay mga nag-qualify sa ginanap na City Meet nitong nakaraang buwan.
Kabilang sa binibigyan ng prayoridad ng programang HELPS ni Mayor Gordon ang “Sports”. Inaasahang mag-uuwi ng medalya ang mga manlalaro sa iba’t-ibang sangay ng palakasan na kanilang kinabibilangan.
Sa mga sumusunod na “Sports” kabilang ang mga manlalaro ng Lungsod: Athletics, Badminton, Baseball, Chess, Basketball, Football, Gymnastics, Lawn Tennis, Sepak Takraw, Softball, Swimming, Table Tennis, Taekwondo at Volleyball .
Pao/nmm

Labels: claraa, Olongapo City, sports
0 Comments:
Post a Comment
<< Home