Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, June 11, 2009

‘Di ‘yan makukuha sa rally, unless… “ Gordon

Tiniyak ni administration Senator Richard Gordon na hindi makukuha sa rally upang pigilin ang pamahalaang Arroyo sa pagtutulak sa Constitution Assembly (ConAss) resolution maliban kung talagang maipapakita ng publiko na labag ito sa Konstitusyon.

Kaugnay nito, ikinumpara ni Gordon sa Spanish regime ang istilo ng gobyerno ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo kung saan idinadaan sa pang-iinis ang Charter Change (ChaCha) at pinapagod sa karereklamo ang sambayanan hanggang tuluyang manahimik o maging manhid ang mga ito.

Aminado rin si Gordon na isang kumpas lamang ni Arroyo, kaagad na mananahimik ang mga kaalyadong kongresista sa pagtutulak sa ChaCha, subalit hindi aniya ito ginagawa ng Pangulo dahil nagbabakasakaling mapaboran ito.

Hinamon naman ni Sen. Pia Cayetano si Arroyo na utusan ang mga kaalyado nito sa Kamara na bawiin nag nasabing resolusyon kung totoo ang pahayag ng mga opisyal nito na wala siyang kinalaman sa pagsusulong ng pagretoke sa Konstitusyon sa pamamagitan ng ConAss.

Samantala, pinayuhan ni Sen. Francis “Chiz” Escudero si Pangulong Arroyo na tigilan ang pag-udyok sa mamamayang magmartsa sa pamamagitan ng pagrenda sa mga kongresistang nagtutulak sa ChaCha.

Rey Marfil / Boyet Jadulco – Abante

Labels: , ,

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012