Gordon endorsed Puno
Pag-endorse ni Gordon kay Puno hindi kataka-taka
By: Jess V. Antiporda - Journal online - GATILYO
BANTOG sa kanyang independent stand at pagiging outspoken sa maraming isyu si Senador Dick Gordon, basta’t sa kanyang pananaw ay tama ang kanyang posisyon at ipinakikipaglaban.
Kundi ako nagkakamali nuong huling taon ng rehimeng Aquino, na kung saan matindi ang pagnanasa na baklasin ang U.S. military bases sa Subic, ay itinaya ni Senador Gordon, na siyang alkalde noon ng Olongapo City, ang kanyang pangalan at reputasyon upang huwag madaliin ang pagpapa-alis sa mga Amerikano.
Tutol noon si Gordon sa mabilisang pagpapa-alis sa mga Amerikano, hindi dahil sa siya ay isang “Amboy,” kundi dahil walang paghahanda ang pamahalan sa kinabukasan ng libu-libong manggagawang Pilipino na mawawalan noon ng trabaho na nang mga panahong iyon ay umaasa lang sa U.S. military facilities, partikular sa Subic.
Naalala rin natin na sa pagdukot kay International Committee of the Red Cross volunteer, Fr. Eugenio Vagni na kalalaya pa lang noong Linggo sa kamay ng mga bandidong Abu Sayaff na bumihag sa kanya sa loob ng anim na buwan, ay ’di rin nagdalawang isip si Gordon na batikusin ang militar dahil sa pagpipilit ng mga ito na sagipin si Vagni sa dulo ng baril.
Sa maikling salita, walang takot at sanay na sa kontrobersiya itong si Sen. Gordon at handa siyang pinindigan ang kanyang mga sinasabi na kung ating susuriing mabuti ay mayroon na mang mga basehan. Hindi ang kalibre ni Sen. Gordon ang basta na lang magbibitiw ng walang katuturan at istupidong mga pananalita, ika nga.
Maaaninag tuloy na napakalayo niya sa ilan niyang mga kasamahan sa Senado na mas pinipili pa na mapanis ang mga laway sa pananahimik kaysa mabuking sa media at publiko na walang laman at salat sa dunong ang kanilang mga kaisipan.
Kaya nga, nang matunghayan ko sa mga pahayagan na all-out ang suporta ni Sen. Dick sa kandidatura ni Department of Local Government (DILG) Sec. Ronnie Puno bilang bise-presidente ng bansa sa darating na 2010 elections, alam kong hindi niya ito sinabi dahil gusto niyang magsipsip sa kalihim o may gusto siyang hinging pabor dito.
Ang tinuran niyang pagsuporta kay Sec. Puno na napalathala sa mga pahayagan bagaman hindi inaasahan sa ngayon ay hindi naman nakapagtataka. Personal kasing kaibigan ni Sen. Gordon si Sec. Puno sa mahabang panahon kaya alam niyang very much qualified ang DILG chief sa inaasinta nitong puwesto.
Sa madaling salita, up close and personal ang pagkilala ni Sen. Dick dito kay Sec. Ronnie at naniniwala tayong hindi itataya ng senador ang kanyang pangalan at dangal kung peke ang kanyang papuri sa kalihim.
Plano rin umano ni Sen.Gordon na sumanib sa pinakamalaking political party ng administration, ang Lakas-Kampi-CMD, subalit pinag-iisipan pa rin umano nito ang pagpasok sa ‘PALAKA’ (Partido Lakas-Kampi). Tiniyak din nito na sakaling siya ang ‘mabasbasan’ bilang ‘standard bearer’ ng administrasyon sa 2010 presidential race, ay kukunin niyang ka-tandem si Puno.
Ilang beses ko nang naisulat dito ang mga kuwalipikasyon ni Sec. Puno kaya hindi na siguro dapat na ulitin ko pa ito.
At sa ginawang pag-endoso sa kanya ni Sen. Gordon, lalo pang tumibay ang kanyang standing ngayon bilang nangungunang kandidato sa VP post. ’Yun na!
Labels: 2010 election, dilg, Sec.Reynaldo Puno, Sen. Richard Gordon
0 Comments:
Post a Comment
<< Home