Paaralan sa Mampueng para sa mga Aetas
Isang resolusyon sa SAngguniang Panglungsod ang inihain ni Kgd. Marey Beth Marzan, Committee Chairman on Education, upang ipormalisa ang kumpletong elementaryang edukasyon para sa Sitio Mampueng, Iram Resettlement Area sa New Cabalan na tataguriang “Iram Resettlement School Annex”. Sinusugan din niya ang pagsuporta sa naturang paaralan upang makapagpatayo ng sariling gusali at madagdagan ang mga pasilidad at mga guro ditto.
“Tumass ang drop-out rate sa Iram School dahil nahihirapan ang mga bata, kaya inilapit namin ang paaralan sa Mampueng upang maipagpatuloy nila ang kanilang pag-aaral,” ayon kay Leo De Guzman, district supervisor ng DepEd, Olongapo.
Ang maliit na paaralan sa Mampueng ay dalawang taon nang ginagamit sa pagtuturo sa mga estudyanteng pawing katutubona dati-rati’y kinakailangangdumayo sa Iram Resettlement School apat(4) na kilometro ang layo na kanilang nilalakad araw-araw.
Sa ngayon ang paaralan ay maliit at hiram na gusali lamang at ang mga klase ay ipinaghihiwalay lang ng mga pawid. Gayunpaman, ang mga guro at mga estudyante ay masugid sa kanilang pag-aaral kahit pa maraming may kakulangan sa aklat,upuan, pisara at iba pang pasilidad.
Sa ngayon ay may 86 estudyante ang nakikinabang sa nasabing maliit na paaralan. Dahil sa kakulangan sa guro, Ang Grade2 at 3 at ang Grade 4 at 5 ay pinagsasama (multi-grade) at hinahawakan ng isang guro na lamang.
Hinihiling ng mga guro na maisaayos ang Mampueng at ipormalisa sa Department of Education ang kanilang paaralan sapagkat ang mga katutubong bata ditto ay kailangan rin ng sapat na edukasyon upang maiangat ang kanilang kaalaman at katayuan sa buhay.
0 Comments:
Post a Comment
<< Home