4 US Marines litisin na sa korte — DOJ
Ipatutuloy na ng Department of Justice (DOJ) ang paglilitis sa apat na Amerikanong sundalo na sangkot sa Subic rape case.
Ayon kay Justice Secretary Raul Gonzalez, hihilingin na ng prosecution sa korte na masimulan na ang paglilitis laban sa apat na US Marines na kinabibilangan nina Chad Carpentier, Daniel Smith, Keith Silkwood at Dominic Duplantis.
Ipinaliwanag ni Gonzalez na maaari namang isailalim sa paglilitis ang mga nabanggit na Amerikano kahit pa wala sa gobyerno ang kustodiya nito o ang tinatawag na "trial in absencia".
Gayunman, tiniyak pa rin ng Kalihim na matatapos ang paglilitis sa loob ng isang taon kaya inaasahan na maipalalabas ang desisyon bago November 2006.
Binigyang-diin pa ni Gonzalez na makikipag-ugnayan din sila sa mga awtoridad ng US Embassy para magkaroon ng panibagong daan upang maresolba ang issue sa kustodiya ng mga akusado.
Inamin naman nito na walang magagawa ang gobyerno sa ngayon kundi ang sundin ang isinasaad sa probisyon ng Visiting Forces Agreement (VFA).
Magugunita na inisnab ng US Embassy ang arrest warrant na ipinalabas ni Olongapo City Regional Trial Court (RTC) Judge Renato Dilag makaraang magpadala na lamang ang una ng note verbale na nagsasaad na mananatili sa kustodiya ng embahada ang mga nabanggit na Amerikano.
Naghain na rin ng petition for review ang mga akusadong Amerikano kung saan hiniling ng mga ito na baliktarin ang unang desisyon ng Olongapo Prosecutor’s Office. (Grace dela Cruz PHILSTAR)

0 Comments:
Post a Comment
<< Home