Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, January 12, 2006

King Andrew ang bagong hari ng smuggler sa Subic

ORA MISMO Ni Butch M. Quejada
Ang Pilipino STAR Ngayon

HAMBOG kung pumorma si Andrew smuggler, siya ngayon ang bagong hari sa Subic Customshouse dahil alaws itong kinakatakutan mapabata o matanda, matangkad o pandak, may baktol o wala basta lahat kaya niyang banggain at paikutin. For your information, Retired Lt. General Joe ‘‘Jupiter" Calimlim at Col., Jimmy Calunsag.

Si Andrew smuggler ang kumukumpas sa lahat ng mga kagaguhan lalo’t pagdating sa palusutan sa Subic Customshouse. Anak ni Andrew smuggler ng isang yumamang bugok na customs official na gustong tumakbo ng tongresman este mali Congressman pala sa isang lugar sa Visayas.

Nangangampanya na ngayon ang daddy ni Andrew smuggler kaya naman kailangan nilang palaguin ang kanilang atik para sa nalalapit na eleksyon sa 2007 kung walang no-el.

Mga droga, electronics, cell phones ang operasyon ng Andrew smuggler kung paano ito nakakalusot itanong ninyo sa Fedex dahil mukhang alam nila kung sino ang tinutukoy ng Chief Kuwago. Tiyak oras na nabasa nina Jupiter at Jimmy ang mga ikinukuwento ng mga kuwago ng ORA MISMO, siguradong may paglalagyan ang mag-ama.

Dahil sa expose ng mga kuwago ng ORA MISMO, malamang sirain na naman ng mga bugok na PR ng daddy ni Andrew smuggler ang grupo ni Jupiter oras na umaksyon ito laban sa mga bugok.

Sinabi ng mga asset ng mga kuwago ng ORA MISMO, walang magawa ang mga customs lespiak sa operasyon ni Andrew smuggler dahil sa takot na bulyawan at itapon sa kangkungan ng daddy ng gago ang mga kamoteng makikialam sa katarantaduhan nila.

‘‘Nanginginig ang mga lespu sa Subic Customshouse kapag narinig ang pangalan ni Andrew smuggler,’’ anang kuwagong Kotong cop.

‘‘Bakit?’’ tanong ng kuwagong manghuhula.

‘‘Bukod sa bukol sila maaari pa silang mapunta sa kangkungan,’’ sagot ng kuwagong maninipsip ng tahong.

‘‘Kaya ba ni Andrew smuggler ang grupo ni Jupiter?’’ tanong ng kuwagong manghihilot ng kargamento.

‘‘Naku ha, may paglalagyan ito kapag nakapa nina Jupiter at Jimmy ang kalokohan ng mga tarantado,’’ sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Ano ngayon ang gagawin natin?’’

‘‘Abangan natin kamote ang mangyayari kay Andrew smuggler.’’

Gov't vehicle used for smuggling, connected with the Magsaysay office.

A local resident sent this photo taken this morning of a dirty white Revo van (SAJ-590) apprehended last Saturday for smuggling activity as reported by Johnny Reblando of People's Journal

http://subicbaynews.blogspot.com/2006/01/subic-smugglers-use-govt-vehicles.html
Image Hosted by ImageShack.us
The vehicle have a sticker GOVIC (front and rear) and it is also parked almost everyday infront of Magsaysay's office in Olongapo City

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012