Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, January 12, 2006

Mga testigo sa P3-M anomalya sa SBMA, sinusuhulan

Pinaniniwalaang ginagapang na ng mga tiwaling opisyal ng Freeport Services Corporation (FSC) ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang mga saksi sa nabunyag na anomalya ng P3-milyon sa Subic Night Bazaar project scam.

Ito ang napag-alaman ng PSN matapos matuklasan ang ginagawang panunuhol sa mga taga-Management Control and Services Department (MCSD) ng Freeport Services Corp. na nag-iimbestiga sa sumingaw na pagnanakaw ng milyong pisong pondo ng gobyerno ng mga corrupt officials ng General Services Department (GSD) partikular ang Office of the President ng Freeport Services Corporation.

Ayon sa source, sinusuhulan ng P50, 000 bawat isa ang MCSD upang itigil na ang gagawing pagbusisi at binantaang huwag magsalita sa media kaugnay sa nabuking na katiwalian.

Napag-alaman pa na maging ang bayad sa nirentahang lote ng bigtime gambling lord ng Angeles City, Pampanga na si Rick Quiros na pinagtayuan ng kanyang illegal na operasyon ng pasugalan sa FSC compound na nagkakahalaga ng P1.7-milyon ang hindi rin naipasok sa pondo ng gobyerno bukod pa rito ang ibinigay na P3-milyon bilang suhol sa mga tiwaling opisyal ng FSC at SBMA.

Ang ginawang hakbang na panunuhol ng mga sangkot na opisyal ng FSC ay isinagawa ilang araw matapos mabunyag at mailathala sa pahayagang ito ang sumingaw na anomalyang P3-milyon pondo ng gobyerno. (Jeff Tombado, Pilipino Star Ngayon)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012