Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, January 17, 2006

Pag-aresto sa 4 GI Joes plantsado na

Siniguro kahapon ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Justice (DOJ) na handa na ang binuong team upang isilbi ang warrant of arrest laban sa 4 na US Marines na nahaharap sa Subic rape case.

Ayon kay DFA Spokesman Gilbert Asuque, naiayos na ang kailangan para isilbi ngayon ang warrant of arrest laban kina Lance Corporals Daniel Smith, Keith Silkwood, Dominic Duplantis at Staff Sgt. Chad Carpentier na nasa custody ng US embassy.

Pangungunahan nina DFA Undersecretary for Special Concerns Rafael Seguis, Justice Chief State Prosecutor Jovencito Zuño at NBI ang pagsisilbi ngayon ng warrant of arrest laban sa 4 na US servicemen.

Hindi naisilbi kahapon ang warrant of arrest dahil walang opisina sa US embassy dahil sa Martin Luther Day sa Estados Unidos.

Tiniyak naman ng DFA na pipilitin nilang makuha ang custody ng 4 na US servicemen matapos magpalabas ng warrant of arrest si Olongapo City Regional Trial Court Judge Renato Dilag kung saan ay walang piyansang ipinagkaloob ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng mga akusado.

Nilinaw ng DOJ at DFA na kung ipagpipilitan ng US embassy na manatili sa kanilang custody ang mga sundalong Kano batay na rin sa nakasaad sa Visiting Forces Agreement (VFA) ay walang magagawa ang ating pamahalaan. (EFernando, PhilStar Ngayon)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012