VFA lulusawin
Ni Boyet Jadulco, Abante
Habang ibinababala kahapon ni Sen. Joker Arroyo ang posibleng paglusaw ng Senado sa Visiting Forces Agreement (VFA) na sinasandalan ng pamahalaang Amerika para mapasailalim ng kustodya ng Pilipinas ang apat na US servicemen sa Olongapo rape, sinabi naman ni Sen. Miriam Defensor-Santiago na ihahain niya sa susunod na linggo ang resolusyon na magpapawalang-bisa sa VFA.
Si Santiago ang chairperson ngayon ng Senate committee on foreign affairs at co-chair ng Legislative Oversight Committee on the VFA (LOVFA). Hindi nito nagustuhan ang ginawang pag-reject ng US Embassy sa ihahaing warrant of arrest laban sa apat na sundalong Kano na nasa kanilang kustodya.
Sinabi ni Santiago na nakatakda niyang kausapin ang kanyang counterpart sa Kamara na si Cebu Rep. Antonio Cuenco upang pakilusin ang LOVFA at maipalabas ang resolusyon para sa renegosasyon ng isang bagong kasunduan.
Sa binabalangkas na resolusyon ng senadora, hihilingin nitong lusawin na ang umiiral na VFA at magbukas ng panibagong negosasyon para sa pagbuo ng bagong kasunduan kung saan hindi maaagrabyado ang Pilipinas lalo na sa interes ng hustisya.
Ayon naman kay Arroyo, ang pagtanggi ng embahada sa arrest order ng korte laban sa apat na Kanong kinakanlong nito ay magdudulot ng malaking kumplikasyon sa VFA .
Yaman din lamang umano na matagal nang naaagrabyado ang bansa sa tratadong ito ay panahon na upang lusawin ang VFA.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home