Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, February 14, 2006

LIBO-LIBO NAKINABANG SA MOBILE PASSSPORTING NI MAYOR GORDON

City Public Affairs Office

Naging matagumpay ang isinagawang Mobile Passporting nitong Pebrero 4, 2006 na hatid ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. para sa mga mamamayan ng Olongapo at maging mga karatig bayan ng Subic, Zambales at Bataan. Ang proyektong ito ay naisagawa sa pakikipagtulungan ng Department of Foreign Affairs.

Dumagsa ang mga aplikante sa Olongapo City Convention Center simula alas-dose ng madaling-araw. Ayon kay Ma. Victoria San Miguel, isang aplikante: “Maaga kami para hindi mahuli sa pila.” At tunay ngang may pakinabang ang pagiging maaga, sapagkat napasama sila sa unang isanlibong aplikante na ng hapong din iyon ay nakuha na din agad ang kanilang pasaporte.

Si Mayor Gordon na personal na nag-inspeksyon at nangasiwa sa Mobile Passporting ay doon na nag-on air ng “Mayor’s Corner”, ang lingguhang programa niya sa DWGO radio station. Ayon kay Mayor Gordon, “the early bird catches the worm. Sa abot ng ating makakaya ay ginawa nating mabilis at sistematiko ang lahat. “yun nga lang ay talagang dumagsa ang mga aplikante kaya’t sobrang haba ng pila dito.”

Mula ika-8 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon ay nagpatuloy ang pagtanggap ng application at processing ng DFA officials. Samantalang nai-release ang unang 1,009 aprubadong passports mula ika-4 hanggang ala-8 ng gabi.

“Malaking convenience ito para sa mga residente ng lungsod na nagnanais kumuha ng pasaporte na hindi na kinakailangan pang tumungo sa Maynila o Clark para pumila at mag-antay,” dagdag ni Mayor Gordon.

Dahil sa dagsang aplikante, pumayag ang DFA na patuloy na tumanggap at magproseso ng aplikasyon. Ang ika-1010 hanggang 1,800 ay maire-release sa susunod na Sabado, Pebrero 11, 2006 sa Olongapo City Convention Center. At ang maganda pang balita, may Part II ang Mobile Passporting na gaganapin sa Pebrero 18, 2006 sa Olongapo City Convention Center upang bigyang-daan pa ang mga hindi na inabot na aplikante noong Pebrero 4 at nagpalista na lamang.

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012