AQUA BOY NG ‘GAPO, PINARANGALAN!
Sa bisa ng Resolution 21 (Series of 2006) ng Sangguniang Panlungsod, kinilala ang pitong (7) taong gulang na tinaguriang Aqua Boy ng Olongapo na si Lou Brad Nazareno-Ignacio.
Sa pangunguna ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. at ng buong City Council Officials ay ginawad kay Lou Brad ang Certificate of Recognition sa Flag Raising Ceremony nitong ika-13 ng Marso 2006 sa Rizal Triangle Covered Court sa harap rin ng mga kawani ng lokal na pamahalaan.
Ang kompetisyong isinagawa noong ika-10 ng Disyembre 2005 sa YMCA-Olongapo, ang nagbigay-daan sa batang kampeon upang makilala sa larangan ng swimming at pagwagian ang titulong ‘’Outstanding Swimmer’’ in the World Swim Malaria Competition-Male Division.
Si Lou Brad Nazareno-Ignacio ay grade 2 student mula sa Olongapo City Elementary School na binangsagang Aqua Boy ni Mayor Gordon, ‘’Sana ay dumami pa ang mga katulad ni Aqua Boy na humahataw sa pagbibigay-karangalan hindi lamang sa kanyang sarili kung hindi maging sa Lungsod ng Olongapo.’’
Dahil sa taglay na husay, disiplina, determinasyon at lakas sa larangan ng paglangoy ni Aqua Boy ay isinulong at sinuportahan ng buong konseho at Mayor Gordon ang sertipiko bilang inspirasyon sa mga kabataang nagtataglay ng kapareho ding galing.
Olongapo Public Affairs Office
0 Comments:
Post a Comment
<< Home