Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Thursday, March 16, 2006

BUWAN NG MARSO BILANG BUWAN NG KABABAIHAN

Nalalapit na ang inagurasyon ng Center for Women sa Mayumi St., Brgy. Sta Rita sa ika-8 ng Marso 2006 na isang magandang regalo ni City Mayor James ‘’Bong’’ Gordon, Jr. sa mga kababaihang biktima ng kalupitan at pang-aabuso.

Ang gusali ay magsisilbing pansamantalang tahanan o temporary shelter ng mga biktima habang nasa ilalim ng recovery stage o kaya’y legal process ang biktima.

Pangungunahan ni Mayor Bong Gordon at First Lady Anne Marie ang inagurasyon ng dalawang (2) palapag na gusali na ngayon pa lamang ay naka-abang na ang mga titirang-kababaihan.

Pangangalagaan ng City Social Welfare and Development office ang pagpapatakbo ng center samantalang tiniyak ni Mayor Gordon ang kanyang pagtutok rito upang mamonitor na magiging maayos ang kalagayan ng mga mananahan rito.

Ang buwan ng Marso ay itinalaga bilang buwan ng kababaihan sa buong bansa kaya isang malaki at magandang-hakbang ang Republic Act 9262 o ang Anti-Violence Against Women and Their Children (VAWC) bilang matibay na pananggalang sa pang-aabuso.

May malaking papel na ginagampanan ang mga kababaihan una sa kanyang pamilya at ikalawa sa lipunan kaya mahalagang pangalagaan ang kapakanan ng mga ito.

Sa Lungsod ng Olongapo ay malawakan at malakas na kinakampanya ang batas 9262 partikular na ang pagkundena sa pananakit sa mga kababaihan o ang mga kaso ng ‘’batterd wives’’ kabilang na rin ang kanilang mga anak.

Olongapo City Public Affairs Office

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012