Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Tuesday, March 14, 2006

Marijuana cakes, cookies kalat na

Ang Pilipino STAR Ngayon

Nagbabala ngayon ang National Bureau of Investigation (NBI) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa publiko ukol sa pagkalat ng mga cakes at cookies na may sangkap na marijuana na bagong modus-operandi ng sindikato ng ilegal na droga.

Sa isinagawang pulong balitaan kahapon sa NBI headquarters, sinabi ng isang opisyal ng PDEA na may ulat tungkol sa bagong modus operandi ng mga sindikato na haluan ng marijuana ang sangkap ng mga cake at cookies na siyang ibinebenta ngayon sa mga drug user.

Sinabi nito na may sangkap na katas ng damong marijuana ang inihahalo sa ibang sangkap ng cakes at cookies. May mga ulat na may mga bentahan na umano ng ‘marijuana cake at cookies’ sa ilang lugar sa Olongapo City at Pampanga.

Sinabi naman ni NBI Officer-in-Charge Atty. Nestor Mantaring na nagsasagawa pa sila ngayon ng beripikasyon sa naturang ulat upang makumpirma ito at magsagawa ng operasyon laban sa sindikatong nasa likod ng operasyon.

Ang naturang pag-imbento ng ibang paraan ng sindikato ay upang maibenta ng mas palihim ang kanilang droga. Ito ay dahil na rin sa mahigpit na kampanya ng iba’t ibang law enforcement sa ilegal na droga.

Kaugnay nito, nadakip ng NBI at PDEA ang isa sa pinakamalaking supplier ng marijuana sa Metro Manila. Kinilala ang suspect na si Elson Langpaw, 26, magsasaka at tubong Wangwang, Tinoc, Ifugao.

Inaresto si Langpaw sa isang bus terminal sa Sampaloc, Maynila at nakumpiska rito ang may 15 malalaking bricks ng marijuana.

Inamin naman nito na may dalawang taon na siyang nagdedeliber ng marijuana sa Metro Manila. Ang bawat isang brick ay nagkakahalaga umano ng P5,000. Sinabi pa nito na sa isang drug trafficker sa Mt. Province at Benguet na may malawak na plantasyon ng marijuana siya kumukuha ng ‘damo’. (Danilo Garcia)

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012