GANDA NG MAMPWENG, IDI-DEVELOP!
Nitong Linggo, personal na tinunghayan ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. ang isang natatagong sikreto ng Mampweng sa Old Cabalan Olongapo. Nagmountain-hike si Mayor Bong, kasama ang mga department heads ng lungsod, at dalawang oras na tinahak ang trail tungo sa natatago at napakagandang talon (waterfalls) na may limampung (50) talampakan ang taas.
“Isang magandang oportunidad ng Olongapo ang falls na ito para sa eco-tourism. Kailangan lang i-develop ang mga terrain at taniman pa ng mga puno ang trail para mas maging kaaya-aya sa mga turista,” pagsusuri niya sa biyaya ng kalikasan.
“Ang akala ng karamihan, ang Ramon Magsaysay Drive (RM Drive) na puno ng mga bars at disco, at ang Kalaklan-Barretto na may hile-hilerang beaches lamang ang maaaring i-offer ng Olongapo sa turismo. Lingid sa ating kaalaman, may mga natatangi tayong mountain-hiking spots at mga waterfalls na mapapa-WOW Olongapo ang mga turista,” dagdag pa ni Mayor Gordon.
Kaalinsabay ng naturang hiking, nagsagawa na rin ng medical at dental mission sa Mampweng para sa mga “minorities” doon na mga pamilyang Aetas. Bukod pa sa libreng gamutan, may 85 pamilya din ang nakinabang sa mga relief goods na ipinamahagi ni First Lady Anne Marie Gordon. Tunay na nadama ng mga Aeta ang pagturing-kapamilya sa kanila ni Mayor Gordon ng magsalu-salo sila, kasama si First Lady Anne at mga department heads, sa isang nakakabusog na “boodle fight” o mahabang-hapag na puno ng pagkain na talagang “native” ang dating.

0 Comments:
Post a Comment
<< Home