SEEDLINGS,ITINANIM NG BOY SCOUTS
Nagsagawa ng tree planting ang mga Boy Scouts ng Olongapo City James L. Gordon Council sa dako ng Old Cabalan nitong Pebrero 26, 2006. Isandaang (100) mahogany at limampung (50) punong mangga ang itinanim ng mga volunteer na batang scouts mula sa Olongapo Wesley School, St Joseph’s College and Olongapo City Elementary School.
Ang mga seedlings ay mula sa mga nakolektang buto sa pagpapatupad ng City Ordinance No. 59 series of 2005, kung saan ang mga drayber at mga may-ari ng pampublikong sasakyan ay inatasan na magbigay ng sampung seedlings bilang requirement para sa renewal ng kanilang rehistro.
“Nagkaroon ng kabuluhan ang mga butong ibinigay ng mga drayber dahil maaasahan na ang pagiging puno nito sa mga darating na taon,” ayon kay Kgd. Edwin Piano, ang 2nd Vice Chairman ng JLG Council.
Ang naturang ordinansa ay naaayon sa maka-kalikasang paninindigan ni Mayor James “Bong” Gordon Jr. na naglalayon na ang mga drivers ay maging responsable sa paglaban sa usok na ibinubuga ng mga sasakyan na nagsasanhi ng polusyon sa hangin. Kaya nga’t hinihingi ng ordinansa na makipagtulungan sila upang mabalanse ang kalikasan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng mga karagdagang puno na magandang source ng natural oxygen.
Olongapo City Public Affairs Office

0 Comments:
Post a Comment
<< Home