ITO ANG TOTOO! ISANG TAON NA!
Isang espesyal na pagtatanghal ang isinagawa para sa Unang Taong Anibersaryo ng 'Ito ang Totoo' TV Program sa local cable STV Channel 6.
Dahil espesyal, si Mayor James 'Bong' Gordon Jr. mismo ay nagpaunlak na maging panauhin ng programa na makakapanayam ng mga hosts nitong sina Vic Vizcocho at Rowena Malasan nang live sa studio sa unang pagkakataon.
Naging siksik sa impormasyon ang isang oras na programa, mula sa weekly local news report ni Vizcocho, at lalo pa ang panayam ng klik na tandem ni Vic at Weng kay Mayor Gordon. Kanilang tinalakay ang mga programa ng Mayor na nakapaloob sa 10-point agenda nito para sa Lungsod ng Olongapo. Inisa-isa nila itong tinalakay upang malaman kung anu-ano na ang itinatakbo ng pagseserbisyo-publiko ni Mayor Gordon. Bilang pagpapatunay ng puspusang pagtatrabaho ng butihing Mayor, ipinagmalaki niya ang mga karangalang katatanggap lamang sa nakalipas na linggo na inaani ng Lungsod mula sa iba't-ibang award-giving bodies tulad ng 'Best Police Office 2005' at ang 'Most Improved City' mula sa Asian Institute of Management.
Bukod kay Mayor Gordon, nakisaya at bumati din ang iba pang mga panauhin tulad nina First Lady Anne Marie Gordon, Kgd. Gina Perez, at ang karamihan ng mga City Department Heads.
Ang 'Ito ang Totoo' ay programang naghahatid ng mga tunay na kaganapan sa lungsod na may pagtutuon sa mga programa ng pamahalaang-lokal at pati ang mga isyu na kailangang linawin sa publiko. Siksik din ito sa mga public announcements na kailangang maipahatid sa mga mamamayan ng Lungsod at maging karatig-lugar.
Ang programang ito ay live na mapapanood sa STV6 tuwing Biyernes, 10:30 ng umaga, at may replay tuwing Linggo, 7:00 ng gabi at Martes, 8:00 ng umaga.
Kaya nga't sa inyong dedikasyon sa paghahatid ng mga impormasyong marapat lamang na bansagang 'Ito ang Totoo', binabati namin ang lahat ng bumubuo ng programang ito ng Congratulations and more fruitful years to come!
Olongapo City Public Affairs Office

2 Comments:
of course, you did not mention the fact that Mr. Vizcocho is the mayor's PR man. Wala naman sasabihing iba itong si Vizcocho kundi pampa-pogi sa amo nya.
so much for fair and honest reporting in the media.
By Anonymous, at 7/26/2006 5:01 PM
stop harrasing MR. Marianito Fernandez of PIER1. He's just helping people. Tell Mr. Arreza to stop listening to his boss Sen. Dick Gordon. Gusto nya lang makaganti kay Chairman Payumo. Walang kinalaman si Mr. Fernandez sa away nilang personal . Mr. Fernandez is a legitimate businessman and helps a lot of people inside SBMA.
By Anonymous, at 3/03/2009 12:19 AM
Post a Comment
<< Home