Olongapo SubicBay BatangGapo Newscenter

Friday, June 16, 2006

LEGENDA EMPLOYEES, SINUPORTAHAN NG OLONGAPO

Sa isang urgent motion, ipinasa ng Sangguniang Panlungsod ang isang Resolusyon bilang pagsuporta sa mga empleyado ng Casino sa Legenda Hotel & Casino, isang kilalang hotel at casino sa Subic Bay Freeport Zone.

Sa naturang resolusyon, hinihiling ng pamahalaang-lokal na bigyang-pansin ng Legenda Hotel and Casino at ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) ang isyu ng tinatayang pagka-alis sa trabaho ng mga empleyado ng Legenda Casino matapos itong ipasara ng PAGCOR.

Tinatayang may isanlibo’t-limang daang (1,500) empleyado ang apektadong mawawalan ng trabaho dahil sa pagsasarang ito. Ang mga empleyado ay binigyan na ng abiso na mapipilitan nang magtanggal ng mga empleyado dahil sa 90% ng pera ng hotel ay nanggagaling sa operasyon ng Casino. Maging mga empleyado ng mismong hotel ay maaari ding manganib dahil sa apektado ang kabuuang kita ng hotel.

Ipinahinto ng PAGCOR ang operasyon at inalis ang lisensya nito dahil sa di umano’y illegal na pagsasagawa ng sabong sa loob ng casino at di-umano ay hindi pagbabayad nito ng P365 milyon sa License to Operate.

“Ang napipintong pagkatanggal sa trabaho ng mga Legenda employees ay direktang makadaragdag sa unemployment statistics ng ating Lungsod kaya’t lubusan tayong nababahala dito,” pahayag ni Kgd. Edwin Piano, Committee Chairman ng Employment.

Ang kopya ng Resolusyon ay ibibigay sa mga kinauukulan ng Legenda at PAGCOR.

Olongapo City Public Affairs Office

0 Comments:

Post a Comment

<< Home


 

This is a joint private blog of volunteers from Subic Bay. It is being maintained primarily to collate articles that may be of importance to decision making related to the future of Subic Bay and as a source of reference material to construct the history of Subic Bay.

The articles herein posted remains the sole property of original authors and publications which has full credits to the articles.

Disclaimer: Readers should conduct their own research and due diligence before using any article herein posted for whatever intended purpose it may be. This private web log will not be liable for any loss or damage caused by a reader's reliance on information obtained from volunteers of this private blog.

www.subicbay.ph, http://olongapo-subic.com, http://sangunian.com, http://olongapo-ph.com, http://oictv.com, http://brgy-ph.com, http://subicbay-news.com, http://batanggapo.com 16 January 2012